Pagtataas ng monthly contribution sa PAGIBIG, kumpirmado na

  • Aprubado na ang pagkakaroon ng mas mataas na kontribusyon para sa mga miyembro ng Home Development Mutual Fund (HDMF) o Pag-IBIG Fund
  • Mula sa kasalukuyang P100 kontribusiyon kada buwan ay aakyat ito sa P150 na magsisimula sa darating na Enero 2021
  • Pagdating naman ng 2023 ay madadagdagan muli ito at magiging P200 na ang monthly contribution na kailangang bayaran ng mga miyembro ng Pag-IBIG
Imahe mula sa Facebook page ng ABS-CBN News

Aprubado na ang pagtaas ng monthly contribution na hihingin sa mga miyembro ng Home Development Mutual Fund (HDMF) o kilala rin bilang Pag-IBIG Fund.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, nangyari ang desisyon matapos ang sunod-sunod na pagkonsulta ng ahensiya sa mga miyembro at employer na kasapi rito.

Aabot sa P100 dagdag-singil sa kontribusyon ang hihingin ng Pag-IBIG.

Magsisimula ito sa darating na Enero 2021 kung kailan magiging P150 na ang monthly contribution na kailangang ihulog ng Pag-IBIG members. Masusundan muli ito sa 2023 kung saan aakyat sa P200 ang buwanang kontribusyon ng bawat miyembro.

“‘Pag di tayo nagtaas, sa lakas ng growth ng ating pautang lalo na sa pabahay, by next year, kakapusin na tayo ng P1.4 billion,” ani Pag-IBIG chief executive officer Acmad Moti.

Dahil na rin dito, sinabi ng ahensiya na posible nilang madagdagan ang halaga na puwedeng i-loan para sa pabahay sa mga susunod na taon.

Imahe mula sa Facebook page ng Pag-IBIG Fund (HDMF)

“Inaaral po natin kung puwede na rin po natin itaas po ito. Sinisiguro po natin sa mga miyembro ‘yung very low interest rates in Pag-IBIG fund now offers the lowest in the market, will remain low,” ani Moti.

Loading…