PAL flight na pabalik ng Pilipinas nag-emergency landing sa LAX matapos mag-apoy ang engine

  • PAL flight na pauwi na sana ng Pilipinas, nag-apoy ang isang engine sa ere
  • Napilitang bumalik sa LAX ang eroplano para mag-emergency landing
  • Ligtas at walang nasaktan sa mga pasahero at crew members

Isang eroplano ng Philippine Airlines (PAL) ang nakaranas ng technical problem sa isa nitong engine matapos mag-take-off. Napilitan itong bumalik sa Los Angeles International Airport (LAX) dahil nagbuga ng apoy ang engine habang nasa ere.

Imahe mula sa Its Keiran Time

Sakay ang 347 pasahero at 18 crew members, nag-take off ang PAL Flight PR113 mula sa LAX patungo sana sa  Pilipinas dakong 11:45 ng umaga (oras sa Los Angeles) nitong Huwebes, ika-21 ng Nobyembre, nang magdeklara ng emergency ang piloto nito na si Captain Tristan Simeon.

Batay sa mga video na ibinahagi ng mga nakasaksi ng insidente, nag-aapoy ang isa sa mga engines ng PAL airplane at bumubuga ng maitim na us0k.

“I could see flashes of light. I thought it was some kind of… just from the sunlight, and then I just start hearing ‘boom , boom, boom.’ and I look out of the window and there’s balls of fires just sho0ting out of the engine,” kuwento ni Walter Baumann, isa sa mga pasahero ng PAL Flight PR113.

Ligtas naman ang lahat ng mga pasahero at crew members matapos matiwasay na nakalapag ang eroplano sa LAX.

“One engine was lost, but the plane landed without incident,” ayon sa spokesman ng Federal Aviation Administration na si Ian Gregor.

Screenshot mula sa video ni Andrew Blake Ames

Sa isang advisory sa social media account nito, kinumpirma ng PAL ang insidente.

“We confirm that our Philippine Airlines Flight PR113, which took off from Los Angeles International Airport (LAX) at 11:45 am local time (equivalent to 3:45am /MNL time /Nov22) for a flight to Manila, landed safely at LAX after experiencing a technical problem in one of its engines shortly after take-off,” bahagi ng official statement ng PAL.

Pinuri ng PAL ang crew members ng flight na pinangunahan ni Captain Tristan Simeon at Purser Joane Marie Dirige dahil sa ipinamalas nilang “calm professionalism” sa pagsasagawa ng unscheduled landing at pagbigay-suporta sa mga pasahero.

I-click ang larawan upang mapanood ang video:

Screenshot mula sa video ni Geri Camahort Lamata
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…