Palasyo, ipinaliwanag ang desisyon na sibakin bilang ICAD co-chairperson si VP Robredo

  • Vice President Leni Robredo, sinibak bilang ICAD co-chairperson
  • Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang pagkakasibak kay VP Robredo
  • Sinabi ni Panelo na sinayang ng Bise Presidente ang pagkakataong ibinigay sa kanya ng Pangulo

Wala pang isang buwan matapos italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Ribredo bilang co-chairperson ng Inter-Agency Commission on Anti-Illegal Drugs (ICAD) ay agad niya itong sinibak sa posisyon.

Screenshot mula sa video ng GMA

Sa isang panayam ay kinumpirma ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang naging desisyon ng Pangulo.

“The Palace is announcing the termination of the services of Vice President Ma. Leonor Robredo as co-Chairperson of the Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs,” pahayag ni Panelo na kinumpirma naman ni Executive Secretary Salvador Medialdea, na siyang umaaktong caretaker ng bansa habang nasa Busan, South Korea ang Pangulo para sa isang ASEAN summit.

Anang tagapagsalita ni Pangulong Duterte, sinayang ni VP Robredo ang pagkakataong mapagkaisa ang administrasyon at oposisyon sa kampanya laban sa dr0ga. Sa halip ay ginamit umano ng Pangalawang Pangulo ang ICAD bilang plataporma upang atakehin ang pamamaraang ginagawa ng pamahalaan.

Puro pambabatik0s lang daw ang ginawa ni VP Robredo sa halip na magbigay ng solusyon sa problema.

“Kung seryoso si VP Robredo sa paglutas ng problema sa dr0ga, dapat sanang bumaba siya sa grassroot, nakipag-­usap sa mga biktima, sa kanilang pamilya at sa mga komunidad. Sa halip, mas pinili niyang humarap sa mga opisyal ng United Nations at United States Embassy na nananatiling out-of-touch sa mga realidad ng problema sa dr0ga sa ground,” pahayag ni Panelo.

Screenshot mula sa video ng GMA

Paliwanag pa ni Panelo, sa kampo rin naman ng oposisyon nanggaling, partikular na kay Liberal Party president Senator Francis Pangilinan, na sibakin na lang sa puwesto si VP Robredo. Kahit na si VP Robredo mismo ay naghamon daw sa Pangulo na sibakin na lang siya.

Hindi na umano kailangang maglabas ng opisyal na dokumento ang Palasyo upang iparating sa Pangalawang Pangulo ang pagkakasibak sa kanya.

Source :

YouTube, Philstar

Loading…