Pamahalaan ni Mayor Vico Sotto tutulong sa pag-operate ng Pasig River Ferry System, 2 bagong ferry ilulunsad

  • Pasig City maglulunsad ng dalawang ferry boats para sa Pasig River Ferry System
  • Nakipag-ugnayan na si Mayor Vico Sotto sa MMDA, ang nag-ooperate ng Pasig River Ferry System
  • Sinabi ni Mayor Sotto na makatutulong sa mga Pasigueño ang ferry system sa Pasig River

Nagsagawa ng test run para sa bagong ferry boat – ang “Mutya ng Pasig 1” – ang lokal na pamahalaan ng Pasig City sa pangunguna ni Mayor Vico Sotto.

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

Sa kanyang social media account, ipinakita ni Mayor Sotto ang isa sa dalawang ferry boats na binili ng Pasig City government na may 57-passenger seating capacity na bibiyahe sa kahabaan ng Pasig River mula sa Pasig City hanggang sa Lungsod ng Maynila.

Sinabi ng alkalde na nakikipag-ugnayan ang kanyang lokal na pamahalaan sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpaplano at pagpapatakbo ng ferry system sa nasabing ilog.

Naniniwala si Mayor Sotto na malaki ang maitutulong ng Pasig River Ferry System para maibsan ang kalbaryo ng mga residente ng lungsod sa grabeng traffic congestion sa Pasig.

“We really need to invest in the river ferry, invest in alternative modes of transportation. This will really help with traffic congestion and mobility of our citizens,” aniya.

Sabi pa ng alkalde, hindi naman kabilisan ang takbo ng ferry boat, pero mas mabilis iyon kaysa dumaan sa matrapik na EDSA at C-5 Road.

Imahe mula kay Mayor Vico Sotto

“It’s a risk but I strongly believe that if we start investing in the ferries more, the demand will follow. We’re not going fast but there’s no traffic so it’s still faster than going to EDSA or C5,” ani Mayor Sotto.

Ang dalawang ferry boat ng Pasig City ay ilulunsad simula sa susunod na buwan ng Disyembre. Kung magiging matagumpay ang operasyon niyon, sinabi ni Mayor Sotto na magdadagdag pa sila ng mga bangka.

Screenshot mula sa video ng ABS-CBN
Source :

Facebook, ABS-CBN

Loading…