Pangulong Duterte, hindi susundin ang payo na magpahinga sa trabaho ng tatlong araw

  • Napabalitang 3-day off ni Pangulong Duterte hindi matutuloy
  • Tinanggihan ng Pangulo ang payo ng mga kaibigan at doktor na magpahinga siya ng ilang araw
  • Magtutungo sa Davao City ang Pangulo kung saan niya gagampanan ang kanyang trabaho

Hindi na matutuloy ang nauna nang naiulat na 3-day off ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi umano nito susundin ang payo ng mga kaibigan at doktor.

Imahe mula kay Sen. Bong Go

“I just talked with the President. He will not be on leave, he will continue with his work in his Davao home,” anang tagapagsalita ng Pangulo.

Sa isang press conference noong Lunes, ika-11 ng Nobyembre, una nang ipinahayag ni Panelo na magpapahinga ng tatlong araw ang Pangulo dahil sa nakakapagod nitong work schedule. Sa Davao City umano gugugulin ng Pangulo ang kanyang pahinga.

Sa sumunod na panayam ilang oras lang matapos ang press conference, sinabi ni Panelo na nakausap niya ang Pangulo at sinabi raw nito sa kanya na hindi na magbabakasyon at gagawin na lang ang  trabaho sa Davao City.

“The President has declined the suggestion of well-meaning friends to have a rest for a few days,” pahayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Nilinaw ni Panelo na walang dapat ipag-alala ang mga mamamayan sa estado ng kalusugan ng Pangulo. Kulang lang umano sa tulog ang presidente.

Imahe mula sa PCOO

“Ang napapansin ko sa kanya mukhang sleepy, mukhang antok, mukhang mahina. Pero kapag nakakatulog siya ng walong oras, ang ganda ng aura niya. Pero mali na balita na may three-day leave siya. Wala siyang leave. Hindi siya magli-leave. Magtatrabaho lang siya sa Davao, sa bahay niya. Marami siyang backlog, maraming paperwork,” aniya.

Source :

ABS-CBN, Abante

Loading…