Para sa kalikasan: Kainan sa Quezon City, nakakamay ang mga kumakain dahil hindi gumagamit ng disposable items

  • Isang kainan sa Quezon City ang tila magdadala sa iyo sa gubat sa gitna ng lungsod
  • Hindi rin gumagamit ng kubyertos sa pagkain dito kaya naman probinsya feels talaga
  • Ginagawa raw nila ito upang makatulong na rin sa kalikasan

Sa panahon ngayon, uso sa mga kainan ang iba’t ibang gimik dahil hindi na lamang masasarap na pagkain ang habol ng mga customer. Marami ang naghahanap ng Instagram-worthy na lugar, habang ang ilan naman ay naghahanap ng dining experience na hindi nila malilimutan.

Ngunit isang kainan sa Katipunan, Quezon City ang mayroong temang pasok sa picture perfect na view, masarap at murang pagkain, at ang kakaiba, environmental friendly ang kanilang tema. Sinong mag-aakala na mayroong Gubat sa gitna ng abalang lungsod ng Quezon?

Larawan mula sa Gubat Facebook account

Literal kasing Gubat ang pangalan ng kainan, dahil sa pagpasok mo dito ay mararamdaman mo talagang nasa loob ka ng isang gubat. Maraming puno at bonsai sa paligid kaya naman presko sa pakiramdam. Simpleng-simple lamang din ang interior design ng kainan na animo’y isang kainan sa isang hardin sa probinsya.

Maraming parokyano rin nila ang natutuwa dahil sa makakalikasan ang nasabing kainan. Wala kasing anumang kubyertos ang ginagamit sa paghahanda at paghahain ng pagkain. May nakalaang hugasan ng kamay dahil kailangang kamay lamang ang gamitin sa pagkain.

Nakalagay din sa dahon ng saging ang mga pagkaing oorderin sa Gubat. Wala ring anumang disposable straw ang ginagamit sa kanilang mga inumin na nakalagay naman sa mga mason jars. Sa ganitong paraan, naiiwasan nila ang paggamit ng plastic. Nakatitipid rin sila sa tubig dahil wala silang masyadong hinuhugasang kubyertos.

Pinoy favorites din ang inihahain sa Gubat na patok daw sa mga estudyante at propesyonal sa paligid ng Katipunan at mga kalapit lugar. Ilan sa mga best seller nila ay adobo, lechon kawali, at blue marlin na inihahain kasama ng mga espesyal na sawsawan.

Larawan mula sa Gubat Facebook account

Binabalik-balikan din daw ang kanilang pako salad na mayroong itlog na pula at fresh kamatis. Perfect daw ito sa anumang Pinoy dish sa kanilang menu. Ang mga inumin din nila ay mga fresh at natural juices katulad ng kalamansi juice at turmeric juice.

Maraming netizen naman ang parokyano ng Gubat na nagpapatunay sa masarap at .di malilimutang dining experience sa kainan. Ayon sa kanila, bukod sa enjoy na sa masarap na pagkain, nakatulong na rin daw sila sa kalikasan.

Loading…