Para sa mas mabilis na transaksyon, members hinikayat ng SSS na i-download ang SSS mobile app version 3.0

  • Hinihikayat ng SSS ang mga miyembro nito na i-download ang SSS Mobile App version 3.0
  • Makikita sa mobile app ang detalye ng records ng SSS Member tulad ng kontribusyon, loan balance, status ng benepisyo, membership information at iba pa
  • Sa pamamagitan ng SSS Mobile App ay mas magiging madali ang transaksyon at mababawasan ang mahabang pila ng tao sa mga sangay ng SSS

Hinihikayat ng Social Security System (SSS), ang state-owned pension fund, ang lahat ng mga kasapi nito na i-download ang latest version ng SSS mobile application.

SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio/Imahe mula sa SSS

Ang SSS Mobile App version 3.0 ay maaaring i-download sa Google Play Store, Apple App Store at Huawei App Gallery. Libre ang pag-download sa app.

Ipinahayag ni SSS President and Chief Executive Officer na si Aurora Ignacio na layunin ng ahensya sa pamamagitan ng SSS mobile app na mas mapabilis ang pakikipagtransaksyon ng mga miyembro sa SSS at upang mabawasan na rin ang mahabang pila ng tao sa mga sangay nito.

“With the SSS mobile app, members can easily transact with the SSS anytime and anywhere through their smartphones or tablets instead of visiting the nearest SSS branch,” ani Ignacio

Sa pamamagitan ng mobile app, maaari nang makita ng members ang kanilang contributions record, membership information, lokasyon ng mga SSS branches at estado ng kanilang benefit claim, salary loan at loan balance.

Maaari ding gamitin ang mobile app sa pag-update ng contact information, makapagrehistro sa My SSS portal, maipasa ang salary loan application at maternity notification sa ilalim ng Expanded Maternity Leave Law. Maaari ding makapag-generate at mag-edit ng Payment Reference Number o PRN.

Imahe mula sa SSS

Ayon sa SSS, ang mga members na may lumang version ng SSS Mobile App ay dapat mag-update nito sa Google Play Store at Apple App Store.

Hanapin lang ang SSS Mobile App version 3.0 ay i-click ang Update. Maaari din na i-uninstall ang lumang version ng SSS mobile app at pagkatapos ay i-download ang version 3.0.

Naniniwala si Ignacio na ang SSS Mobile App ay makatutulong sa mga kabataan na mas maintindihan ang kahalagahan ng paghuhulog sa SSS.

Source :

SSS, Yahoo News

Loading…