Paskong Maynila, tampok sa music video

Imahe mula sa video ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau via Facebook
  • Naglabas ang Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau ng Maynila ng Christmas music video
  • Ipinakita rito ang nagniningning na mga dekorasyon sa iba’t ibang lugar sa lungsod
  • Umani ito ng positibong mga komento mula sa mga netizen na nagsabing malaki na ang ipinagbago ng lungsod

Tampok ang makulay at masayang Pasko sa “Bagong Maynila” sa Christmas music video na inilabas ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau kamakailan.

Ibinahagi naman ng Manila Public Information Office ang video na ito na may pamagat na “Ipagdiwang ang Pasko ng Batang Manileño” sa kanilang Facebook page. May hashtag din itong #BagongMaynila at #SimplyNoPlaceLikeManila.

Imahe mula sa video ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau via Facebook

Ilan sa mga bumida sa tatlong minutong music video ay ang Bonifacio Shrine, Liwasang Bonifacio, Manila City Hall, Intramuros, at Luneta na pawang puno na ng palamuti para sa darating na Pasko.

Bumuhos naman ang papuri ng netizens sa Facebook na nagsasabing ikinagalak ng kanilang pus0ng makita ang laki ng pagbabago sa lungsod. “Nakakaiyak naman sa tuwa. Laki na ng pinagbago ng Maynila. Salamat, Yorme, sa pagmamahal mo,” sabi ni RM Pinto.

“Teary eyed. Brings back memories of my childhood. Happy to see Manila in good shape. Thanks, Yorme,” sabi naman ni Marielou Rob.

Bagama’t hindi idinetalye kung sinu-sino ang mga itinampok sa music video, humanga rin ang netizens sa pagbabahagi raw nila ng talento ng mga Manileño. “Galing! Utilizing Manila’s local talents for this song is a brilliant idea! Tipid sa bulsa pero hindi tipid sa talent! Husay! Salute!” komento ni Jess Juaniza.

“Is it just me that appreciated this MORE without seeing  ANY single celebrity in the video? Just pure spirit of Manileño Christmas,” pagsang-ayon naman ni J. Liao.

Si Maurelle DS naman, pansin na kahit si Mayor Isko ay sandali lang ang exposure. “Ang galing! Even si Yorme, very short exposure lang. Nothing political but focused on being a Manileño,” sabi niya.

Maging ang nasa ibang bansa naman na si M Sommer ay natuwa sa nakitang pagbabago sa lungsod. “How I wish I can go back this Christmas to witness the beauty of the city I grew up in. Hopefully next time my family can visit Philippines and Manila around Christmas and New Year,” sabi niya

Maligayang Pasko, mga Manileño!

I-click ang imahe para mapanood ang video via Facebook

Loading…