Pastor Ed Lapiz, nagmungkahi ng pagkakaroon ng “bicycle lanes” sa ere

  • Nagmungkahi ang pastor at manunulat na si Ed Lapiz na magkaroon ng bike lanes
  • Naglaan siya ng sketches sa kaniyang Facebook post kung paano ito ididisenyo
  • Umani naman ito ng reaksyon mula sa netizens

Kaniya–kaniyang isip at mungkahi ngayon ang mga tao kung paano ba malulunasan ang matinding problemang dulot ng mabigat na daloy ng trapiko na halos araw–araw kinakaharap ng mga tao, lalo na ang mga commuters.

Sa kaniyang Facebook post, nagmungkahi ang pastor na si Ed Lapiz sa posibleng pagkakaroon ng mga bicycle o bike lanes na nakatalalan sa ere, nakakapit sa poste ng mga skyways, LRT, at MRT. Naglaan pa siya ng skecth para dito. Aniya, eksklusibo lamang itong gagamitin para sa mga taong magbibisikleta patungo sa kanilang mga destinasyon. Layon umano nitong mahikayat ang mga tao na gumamit na lamang din ng bisikleta.

Imahe mula sa Facebook account ni Ed Lapiz

“Kung maglagay tayo ng bike lanes above the streets, nakakapit sa mga poste at structure ng mga skyways, LRT, MRT, etc. Light materials lang para kayanin ng structure ang added load. Lalagyan ng entry and exit ramps. At may safety features. For bikers only. Bawal ang pedestrians, vendors, etc. Bahala na ang engineers sa details at ang LGU’s sa security. Malaking tulong sa transport needs! Nakasilong pa ang cyclist, protected from sun or rain!”

Dagdag pa ni Pastor Lapiz: “I requested Ed Davad to illustrate the general idea. Engineers/Designers can take care of technical details. I also had this passed on to some cabinet secretaries, senators and congressmen. Pray–pray! Sarap lang makapag-bike sa buung kahabaan ng EDSA, sa ilalim ng SLEX-NLEX connector Skyway from Alabang through Manila to Balintawak, and beneath all LRT and MRT lines!”

Imahe mula sa Facebook account ni Ed Lapiz

Nagbigay naman ng komento rito ang netizens.

“Brilliant idea po! It will help ease traffic, mababawasan ang polusyon, plus great exercise and sunshine vitamins for more people! Wowowow!”

“A very brilliant idea. Environment friendly. Healthy and tipid sa gastos! Sana pati mga motorcycles, nasa taas na rin.”

“Ay ang ganda po niyan. Safe na sa bikers, na–maximize pa ang space. No gas. No traffic. FREE parking. FREE workout. Pollution–free. RIDE YOUR BIKE AND SAVE THE WORLD!”

Wala namang masama kung susubukin, hindi ba?

Loading…