Pawikan, binigyan ng artipisyal na 3D–printed shell

  • Tinulungan ng grupo ng mga beterinaryo ang isang pawikang nawalan ng shell
  • Ginawan nila ito ng 3D–printed shell
  • Umani ito ng positibong reaksyon mula sa netizens

Isa ang pawikan o tortoise sa mga hayop na nanganganib na mawala sa mundong ibabaw o tinatawag na “endangered species”. Kaya naman sa Pilipinas, mananagot sa batas ang sino mang maaaktuhan at mapatutunayang nanghuhuli ng mga pawikan upang mapagkakitaan.

Sa ibang bansa, binigyan ng isang artipisyal na 3D–printed shell ng isang veterinarian surgeon na si Dr. Roberto Rabello ang isang pawikan na nawalan ng shell o proteksyon sa likod matapos maapektuhan ng isang bush fire. Mahalaga ang shell na ito dahil ito ang nagsisilbing pananggalang ng mga pagong at pawikan sa mga predators gayundin sa ibang panganib na nasa kanilang paligid.

Bukod sa pagkawala ng 85 porsyento ng kaniyang shell, ang kahabag–habag na pawikan ay nakaranas din ng pulmonya at labis na pagkagutom sa loob ng 45 araw.  Pinangalanan itong “Freddy”, hango sa fire-damaged character na si Freddy Krueger, mula sa pelikulang “Nightmare on Elm Street”.

Image capture mula sa YouTube channel ng Inside edition

Dahil hindi na muling manunumbalik ang nawasak na shell, naisipan ng grupong “Animal Avengers”, na binubuo ng volunteers and specialists mula sa Brazil, kasama nina Dr. Rabello, tatlo pang beterinaryo, isang dental surgeon, at isang 3D designer, na “baguhin” ang kapalaran ni Freddy.

Ipinasya nilang gawan ng 3D–printed shell si Freddy upang makapagpatuloy itong mabuhay at magkaroon ng proteksyon sa kaniyang likod.

“This is a mark in veterinary medicine. From now on we will have a new age. Especially when it comes to wild animals. It’s a total satisfaction, we’ll always strain to save a life, no matter whose,” saad ni Dr. Rabello.

Image capture mula sa YouTube channel ng Inside edition

Umani naman ito ng positibong komento mula sa netizens.

“Kudos to the team Animal Avengers! You should have made him extra safe from predators. You could’ve made spikes?”

“May the Heaven above bless these rescuers. There is good in this world. Please continue to save lives – animals and humans alike.”

Panoorin ito via YouTube channel ng Special Edition:

Loading…