Payo ni Panelo sa organizers ng SEA Games: Maging mas creative kayo

Imahe mula sa ABS-CBN News at 2019 SEA Games
  • Bago pa man opisyal na magsimula ang Southeast Asian Games ay samu’t-saring problema na ang kinaharap ng mga organizer
  • Humingi na ng paumanhin ang mga nasa likod ng SEA Games at ipinangakong pagbubutihin ang pag-asikaso sa mga atleta
  • Pinayuhan naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang mga organizer na maging “mas creative” sa paghanap sa solusyon sa mga hinaharap na aberya

Ang Pilipinas ang host ng Southeast Asian (SEA) Games ngayong taon. Bagamat kilala ang bansa sa angkin nitong hospitality, maraming reklamo ang naglabasan sa social media tungkol sa pagtanggap natin sa mga atleta mula sa ibang bansa.

Imahe mula sa ASEAN Football News

Ang football team daw mula sa Timor-Leste ay dinala sa maling hotel matapos paghintayin sa airport ng ilang oras.

“I think all nations deserve respect. But now, it’s finished, we just focus on the ASEAN games,” pahayag ng kanilang coach na si Fabiano Flora.

Humingi na ng paumanhin ang Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) sa insidente.

“We noted that there are at least 3 incidents of transportation and hotel arranged glitches .We acknowledge our shortcomings in this particular incident and vow to do better,” sabi ng PHISGOC sa isang pahayag.

Sabi naman ni Presidential Spokesman Salvader Panelo, hindi raw talaga maiiwasan ang ganitong mga insidente lalo na sa international event.

“You cannot discount any delays, incident of non-transport, or late checking in, given the fact that there are so many athletes coming to the Philippines. Natural lang ‘yon,” ayon kay Panelo.

Imahe mula sa ABS-CBN News

Pero sabi ni Panelo, dapat ay naging “mas creative” ang mga organizer sa paglutas sa mga problemang kinaharap ng mga atleta.

“Kung ako ‘yon, in the position of those organizers like hindi makacheck-in sa hotel, e ‘di chineck in ko sa ibang hotel muna. Dun muna kayo. Bakit ka pa mag-aantay ng alas dos?” pahayag niya.

Pag-uulit ng Malacanang, pagbubutihin daw nila sa susunod. “We commit to do better next time. We are offering no excuse.”

Loading…