Pera sa basura: Lungsod ng Maynila, nagbibigay ng insentibo sa bawat kilo ng plastic

Imahe mula sa Facebook | MPIO
  • Sinimulan na ng Lungsod ng Maynila ang pagbibigay ng incentive sa mga residente kapalit ng maiipon nilang plastic waste
  • P10 halaga ng mga produkto mula sa Unilever ang maiuuwi nila kapalit ng isang kilong basura
  • Layunin nito na turuan ang mga Manileno na simulan sa kanilang bahay ang tamang pagtapon sa basura

Isa sa pinakamalaking problema na kinakaharap ngayon ng lungsod ng Maynila ay ang kakulangan sa disiplina ng mga residente sa tamang pagtapon ng basura.

Kaya naman sa pamamagitan ng programang “KOLEK, KILO, KITA,” umaasa ang Manila City government na masosolusyonan na ang problema sa paglaganap ng plastic waste sa lungsod.

Kamakailan lamang ay saku-sakong plastic mula sa mga residente ang pinalitan ng mga sabon, palaman, at iba pang produkto ng Unilever.

Imahe mula sa Facebook | Isko Moreno Domagoso

“Waste is a widespread problem that requires everyone’s full cooperation. We started by cleaning our streets and now we have a program that begins in households,” sabi ni Manila Mayor Isko Moreno. “To persuade everyone to participate, the City of Manila has partnered with several companies such as Unilever Philippines, CEMEX, Republic Cement, together with the Pasig River Rehabilitation Center (PRRC), to start our first and widest incentivized waste collection program for flexible plastic waste.”

Sa bawat kilo ng mga plastic, makatatanggap ang mga residente ng P10 halaga ng mga produkto mula sa Unilever.

Samantala, ang mga nakolektang basura ay ipo-proseso ng Cemex at Republic Cement bilang alternatibo sa paggawa ng semento.

Umani naman ito ng papuri mula sa mga netizen.

Imahe mula sa Facebook | MPIO

Sabi ni Ray-an Rioflorido, “Magandang proyekto ito. Win-win solution ito.”

Natuwa naman si Fernandez A. Mie sa adbokasiyang ito. “Ay naku salamat may ganitong advocacy! Matagal ko na itong sina-suggest pero walang gumagawa. Sana all!

Positibo naman si Hency Regaspi na matututo na ang mga Manileno na magtapon ng kanilang basura. “Maganda to. Pag alam ng mga salaula na pagkakakitaan [ang basura,] magpupulot na sila. Baka kahit basura ng kapitbahay,  kunin na nila. Good idea.”

Talaga nga namang may pera sa basura.

Loading…