Petisyon para kasuhan ang Panday Sining dahil sa bandalismo umani ng suporta

  • Isang grupo ang nanawagan sa Manila City government na sampahan ng kaso ang Panday Sining
  • Ang Panday Sining ang nasa likod ng mga bandalismo sa Lungsod ng Maynila
  • Umani ng suporta mula sa mga mamamayan ang panawagan na kasuhan ang Panday Sining

Libo-libo ang ang pumirma sa isang petisyon na nanawagan sa Manila City government na gumawa ito ng legal na hakbang laban sa Panday Sining, isang cultural youth group na may pakana ng mga bandalismo sa ilang pampublikong lugar sa lungsod.

Imahe mula sa Manila PIO

Nais ng petisyon, na pinasimunuan ng Hands Off Our Children Movement, na maparusahan ang grupo dahil sa pagsira ng mga pader sa Maynila sa  pamamagitan ng pagsusulat ng mga bandalismo o graffiti.

“Panday Sining vandalized some parts in the City of Manila. They have since justified these actions as a form of protest ‘art’ to the dismay of so many Filipinos,” ayon sa bahagi ng petisyon sa Change.org website.

“With this petition, we intend to request the City of Manila to pursue legal action against the groups who did this and show them that they are supported by a large number of Filipinos who has grown tired and fed up with their “activism” and reclaim the dignity of our laws that they have trampled upon,” ayon pa rin sa petisyon.

Sa target na 10,000 signatures, umabot na sa 9,536 ang nagbigay ng suporta sa petisyon.

Sari-saring batikos mula sa mga mamamayan ang inani ng Panday Sining matapos dumihan ng kanilang bandalismo ang bagong linis na Lagusnilad underpass sa Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa Facebook page ng Panday Sining

Matatandaang humingi ng paumanhin ang grupo kay Mayor Isko sa kanilang ginawa, subalit ilang araw lang ang nakalipas ay may panibagong bandalismo na naman ang natagpuan sa lungsod.  Sa pagkakataong iyon ang pader naman ng isang pampublikong paaralan ang nilagyan ng graffiti.

Source :

Change.org, PNA

Loading…