Pia Wurtzbach, hindi makapupunta sa Miss Universe 2019 coronation

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach at Gazini Ganados
  • Hindi makadadalo sa Miss Universe 2019 coronation night na gaganapin sa Atlanta, Georgia si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach
  • Ito ay dahil sa naunang commitment niya sa tourism board of Japan, kung saan icocover niya ang isang festival sa Fukuoka
  • Inaabangan ngayon ng mga Pilipino kung makapagtatala ng back-to-back win ang representative na si Gazini Ganados

Nalalapit na ang inaabangang coronation night ng Miss Universe 2019 na gaganapin sa Disyembre 8 sa Atlanta, Georgie, subalit nanghihinayang si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach dahil hindi raw siya makadadalo rito.

Kinumpirma ito ni Pia sa kanyang sagot sa komento ng isang netizen na nagtatanong kung may ticket na siya para sa coronation.

Imahe mula sa Instagram | Pia Wurtzbach

“Do you have ticket already? Tickets [were] sold out [in] a second,” tanong ni Instagram user slobsgray.

Paliwanag ni Pia, naimbitahan ang kanyang travel show na i-feature ang isang festival sa Fukuoka ng tourism board ng Japan.

Nai-release na raw ang kanilang working Visa noong i-announce ng Miss Universe Organization (MUO) ang opisyal na date at venue ng koronasyon.

“MUO invited me to be backstage host with CHI and I really want to! BUT it would also be impolite for me to cancel my trip to Japan. Government invitation ‘yon,” sabi niya. “If I had known sooner, baka nagawan ko pa ng paraan.”

Samantala, nakaabang naman ang pageant fans kung makakapagtala ng back-to-back win si Miss Universe Philippines 2019 Gazini Ganados. Reigning Miss Universe ngayon ang Filipino-Australian na si Catriona Gray.

Imahe mula sa Instagram
| Pia Wurtzbach

Kung sakaling maiuwi muli ng Pilipinas ang korona, si Gazini na ang ikalimang Pinay Miss Universe. Unang naging Pinay Miss Universe si Margie Moran noong 1873. Sinundan ito ni Gloria Diaz noong 1969. Ilang taon naman ang hinintay ng Pilipinas bago muling maiuwi ni Pia ang Miss U crown noong 2015. Habang ang reigning Miss Universe naman na si Catriona naman ang pang-apat.

Source :

Instagram, PEP

Loading…