Pilipinas pinangalanang ‘World’s Leading Dive Destination’

Imahe mula sa Amanpulo | aman.com
  • Muli na namang kinilala ang angking kagandahan ng Pilipinas sa nakalipas na World Travel Awards na ginanap sa Oman
  • Pinangalanan ang Pilipinas na ‘World’s Leading Dive Destination’ habang ang Amanpulo Resort sa Palawan naman ay kinilalang ‘World’s Leading Dive Resort
  • Dagdag ito sa mahaba nang listahan ng mga pagkilala na natanggap ng Pilipinas mula sa iba’t ibang bansa
Imahe mula sa DOT

Sagana ang Pilipinas sa mga natural na yaman; maging tubig man o lupa. Sa mga nakalipas na taon, patuloy itong nakikilala at dinadayo ng mga turista mula sa iba’t ibang panig ng mundo.

Sa nakalipas na World Travel Awards Grand Final gala ceremony sa Muscat, Oman, tinanggap ng Pilipinas ang una nitong pagkilala bilang “World’s Leading Dive Destination.” Pilipinas ang nagwagi mula sa iba pang nominadong dive destinations: ang Azores Islands, Bora Bora sa French Polynesia, Cayman Islands, Fiji, Galapagos Islands, Great Barrier Reef sa Australia, Maldives, at Mexico.

“This latest recognition is a validation that the Philippines is truly a premier dive destination. Dubbed by marine experts and scientists as the heart of marine biodiversity in the world, our country is home to the highest concentration of coral reef life and astounding variety of marine species,” sabi ni Department of Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Imahe mula sa Amanpulo | aman.com

Samantala, pinangalanan naman ang Amanpulo Resort sa Palawan bilang World’s Leading Dive Resort sa parehong event.

Noong isang buwan lamang, naiuwi ng Pilipinas ang una nitong “Asia’s Leading Dive Destination” award sa World Travel Awards gala event for Asia and Oceania na ginanap naman sa Vitenam. Pinarangalan din ang Department of Tourism na “Asia’s Leading Tourism Board” dahil sa ginagawa nitong mga hakbang upang pataasin ang bilang ng mga turista sa bansa sa nakalipas na taon.

“Through the Philippine Commission on Sports Scuba Diving (PCSSD), we also ensure that diving safety and operating standards in the country are at par with the rest of the world,” sabi ni Puyat.

Tunay nga namang it’s more fun in the Philippines!

Source :

GMA News

Loading…