Pope Francis, kinagiliwan sa pagsusuot ng ‘anime’ Japanese coat

Imahe mula sa video ng Pope Francis in Japan 2019 via YouTube
  • Malaking ngiti ang isinukli ni Pope Francis sa dalawang kabataang babae na nag-abot sa kanya ng Japanese coat na may anime-style na mukha niya
  • Ito ay bilang pasasalamat sa kanyang pagdalaw sa St. Mary’s Cathedral bilang bahagi ng kanyang ikalawang papal visit sa Japan
  • Pinaalalahanan naman niya ang mga Katoliko at ang gobyerno roon sa masasamang mga epekto ng at0mic energy kaya naman hindi raw dapat ito gamitin

Bagama’t nasa Japan para talakayin ang seryosong isyu ng mapanirang epekto ng paggamit ng nuclear weapons, napangiti si Pope Francis matapos makatanggap ng customized Japanese coat.

Sa video na ini-upload ng Pope in Japan sa YouTube, makikita ang malaking ngiti ng Santo Papa nang iabot sa kanya ng dalawang babae ang “happi” na tradisyunal na kasuotan tuwing may kapistahan o mahahalagang pagdiriwang doon.

Imahe mula sa video ng Pope Francis in Japan 2019 via YouTube

Nagpalakpakan naman ang mga tao nang agad niyang isinuot ang kulay pink at asul na “happi” na mayroong anime-style na mukha niya at mga cherry-blossoms kung saan kilala ang Japan. Mababasa rin dito ang mga katagang “We are glad you are the Pope,” “gratitude,” “May there be peace,” “Let’s pray together,” at iba pa.

Nangyari ito matapos siyang magsalita sa St. Mary’s Cathedral sa Tokyo.

Sa kanyang ikalawang papal visit sa Japan, pumunta rin siya sa Hiroshima at Nagasaki kung saan ibinagsak ang at0mic b0mb noong World War II.

Imahe mula sa Instagram | Pope Francis

“Convinced as I am that a world without nuclear weapons is possible and necessary, I ask political leaders not to forget that these weapons cannot protect us from current threats to national security,” pahayag umano ni Pope sa mga taga Nagasaki.

Sa Instagram post naman, sinabi niyang “The use of at0mic energy for purposes of war is immoral, just as the possession of at0mic weapons is immoral, as I said two years ago. We will be judged on this.”

Source :

Next Shark

Loading…