Pres. Duterte magpapahinga sa trabaho ng tatlong araw

  • Magpapahinga ng tatlong araw sa trabaho si Pangulong Duterte
  • Ang pagpapahinga ay ayon sa payo ng mga kaibigan at doktor
  • Hindi dahil sa kondisyon sa kalusugan ang 3-day off, kundi kailangan lang ng Pangulo na bumawi sa tulog

Sa payo ng mga doktor at kaibigan, si Pangulong Rodrigo Duterte ay magpapahinga sa kanyang nakapapagod na work schedule ng tatlong araw.

Imahe mula sa PCOO

Ayon sa Presidential spokesman na si Sec. Salvador Panelo, sinabi umano ni Senator Christopher “Bong” Go, na dating special assistant ng Presidente, na sisimulan sa Martes, ika-12 ng Nobyembre ang 3-day off ng Pangulo.

Sabi ni Bong and ‘di naman siya nagdisagree dahil tatlo kaming magkausap, mga three days,” anang tagapagsalita ni Pangulong Duterte sa isang press briefing.

Sinabi pa ni Panelo na ang pagpapahinga ng Pangulo ay dahil na rin sa payo ng mga kaibigan at ng mga doktor.

“Well, upon the advice of friends, of colleagues in the world scene, and most likely upon the advice of the doctors, to take a rest week from his punishing schedule,” aniya.

Nilinaw ni Panelo na magpapahinga ang Pangulo hindi dahil sa anumang kondisyong medikal, kundi kailangan lang nitong makabawi ng tulog. Gugugulin umano nito ang tatlong araw na pahinga sa kanilang bahay sa Davao City.

Imahe mula kay Sen. Christopher Bong Go via Facebook

Rest lang iyon. Pahinga lang sa kaniya dahil maraming trabaho. Napapansin ko kay Presidente , as I told him ‘every time you have eight-hour sleep, ang ganda ng hitsura mo, e.’ Palagay ko ‘yun lang ang kulang niya,” paliwanag pa ng spokesman ng Pangulo.

Sa press briefing ay nabanggit ni Panelo na si Executive Secretary Salvador Medialdea ang magsisilbing caretaker ng gobyerno habang nagpapahinga ang Pangulo, subalit matapos ang press briefing ay sinabi niyang baka hindi na kailangan ng caretaker dahil magpapahinga lang naman ang Presidente.

“Kung merong caretaker, e ‘di may official leave. Kung wala, pahinga-pahinga lang,” paliwanag ni Panelo.

Source :

PNA, ABS-CBN

Loading…