PWD pinahanga ang netizens sa angking sipag

Imahe mula sa Facebook | Elizabeth Ariones
  • Isang hindi pinangalanang lalaki ang nag-trending sa social media dahil sa taglay nitong sipag
  • Sa larawan na kumakalat ngayon sa Facebook, makikitang may artificial leg ang lalaking naka-motor na may dala pang box na naglalaman ng paninda
  • Ayon sa isang nag-comment, pinsan niya raw ito at nagde-deliver daw ito ng bangus sa iba’t ibang bayan ng Aklan

Kamakailan lamang ay iniulat ng Social Weather Stations (SWS) ang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong walang trabaho. Ayon sa survey, mula sa 9.4 milyon noong March ay umakyat na sa 9.8 milyon ang bilang ng mga Pilipinong unemployed nitong June 2019.

Samantala, isang Person with Disability (PWD) ang tila hindi kabilang sa numerong ito. Ang tinutukoy ay ang lalaki sa isang viral nang post.

Imahe mula sa Facebook | Elizabeth Ariones

Sa post ni Elizabeth Ariones sa Facebook na ngayon ay may mahigit 36k reactions at 51k shares na, ibinida niya ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo na kahit may artificial leg ay may dala-dalang box na naglalaman ng paninda.

“Wala kang dahilan para hindi magtrabaho para sa pamilya mo. Salute to you bro!” sabi niya sa caption.

Isang Jho Pan naman ang nag-iwan ng komento sa post at nagpakilalang pinsan ng lalaki.

“He’s my cousin. Sobrang sipag niya at business minded. Gumagawa ng boneless bangus at dini-deliver niya sa Boracay, Nabas, Ibajay, at ibang bayan ng Aklan,” kuwento niya.

Maraming netizen ang napahanga sa pagpupursigi ng lalaki sa kabila ng kapansanan nito.

Imahe mula sa Facebook | Elizabeth Ariones

“Hindi dahilan ang kapansanan para sumuko ka sa buhay. Kung gusto mong magpasaya o sumaya, lumaban ka, bumangon ka. Lahat ng tao , may silbi hanggang humihinga pa ito. Para sa mga taong masama, mapanghusga, at walang pus0 diyan, please treat all PWDs well. Don’t treat us all like some kind of animal,” sabi ni Yang Yang.

Sabi naman ng ilang netizens, dapat daw tularan ang masipag na PWD.

“Yung iba, kumpleto ang mga paa. Tambay lang, umaasa may magpakain tapos sisisihin si Duterte,” komento ni A. Empleo.

“Di tulad ng iba kumpleto naman, wala namang kapansanan pero nagnanakaw pa,” sabi naman ni C. Mora.

Paalala naman ni Y. Lapidez, “Anong karapatan nating magreklamo sa buhay? Siya nga, wala na siyang mga paa, nagtatrabaho pa. Kahanga hanga ka po, Kuya.”

Tunay ngang kapag may pangarap ay walang kahit anong makahahadlang sa iyo para magsikap.

Loading…