Ramon Ang ng SMC nag-sorry sa mga motorista dahil sa trapiko sa SLEX

  • Ramon Ang ng SMC humingi ng paumanhin sa mga motoristang apektado ng trapiko sa SLEX
  • Ang mabigat na trapiko sa SLEX northbound ay sanhi ng ginagawang skyway extension project
  • Ginarantiyahan ni Ang na sa December 1, 2019 ay balik na sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar

Huminigi ng paumanhin si Ramon Ang, presidente at chief operating officer ng San Miguel Corporation (SMC), sa mga motorista na lubhang naaapektuhan ng mabigat na trapiko sa northbound ng South Luzon Expressway (SLEX) dahil sa Skyway Extension Project.

Screenshot mula sa ABS-CBN video

Ang mabigat na daloy ng trapiko sa northbound ng SLEX ay nagsimula noong September 25 kung saan minsan nang umabot ng hanggang halos 20 kilometers ang haba ng mga sasakyan na naipit sa trapiko sa lugar dahil sa ginagawang Skyway Extension Project.

“Ako po, again, humihingi po ako ng paumanhin sa mga taong naabala ng trapik nang isang araw na huwag po kayong magagalit at kung pwede po magtiis lang po tayo ng kaunti makikita ninyo ang ginhawa nito forever,” ani Ang.

“Kasi kung hindi natin ginawa ‘to eh wala na…magiging paradahan na lang itong lahat ng highways na ito,” dagdag pa niya.

Ginarantiyahan ni Mr. Ang na sa darating na December 1 ay siguradong magiging maluwag na ang daloy ng trapiko sa lugar.

Aniya, matatapos na ang mga ginagawang poste sa bahagi ng expressway pagbaba ng Alabang viaduct kaya aalisin na ang mga heavy equipment at mabubuksan na ang 3rd lane na isinara.

Bukod pa roon ay nagtatayo sila ng temporary steel ramp mula sa itaas ng Alabang viaduct patungo sa elevated Skyway upang madagdagan ng lane ang SLEX habang ginagawa ang skyway extension project na inaasahang sa December 2020 pa matatapos.

Imahe mula sa Tempo

“My commitment to you is that by December 1, all preliminary work will be done. We will reopen the closed-off lane and restore use of all three at-grade northbound lanes,” pangako ni Mr. Ang.

Aniya, hindi lang magbabalik sa normal ang daloy ng trapiko sa lugar kundi mas bibilis pa iyon dahil sa itinatayong temporary steel ramp.

“Traffic will not only return to ‘normal’ levels, it will even improve. That’s because we are also opening the temporary ramp from the Alabang viaduct going up to Skyway. With a total of five lanes northbound, I think we can expect a significant improvement in the traffic,” aniya.

Imahe mula sa SMC Tollways

Hinihiling ni Mr. Ang ang kooperasyon ng publiko at sana ay habaan pa raw nila ang pasensya dahil ang proyekto ng SMC ay solusyon sa matagal nang problema sa trapiko sa SLEX.

“Para sa atin po lahat ito, solusyon sa matagal nang problema sa traffic. If we do not do this now, for sure, the situation will be much worse for all of us in the very near future,” ani Ang.

Loading…