Ready-to-bake products ng Nestlé ni-recall sa merkado dahil nahaluan ng goma

  • Ilang ready-to-bake products ng Nestlé tinanggal sa merkado
  • Ang product recall ay kasunod ng reklamong nakitaan ng goma ang mga produkto
  • Ang mga produktong may batch codes na nagsisimula sa 9189 hanggang sa batch codes na nagsisimula sa 9295 ang apektado ng recall

Aabot sa mahigit dalawang dosenang klase ng ready-to-bake products ng global food giant na Nestlé ang inalis sa mga pamilihan kasunod ng mga reklamo na nakitaan ng rubber o goma ang mga produkto.

Imahe mula sa Nestle USA

Noong Huwebes, ika-31 ng Oktubre, ay inanunsyo ng Nestlé USA ang boluntaryo nilang pagtatanggal ng dalawampu’t anim na klase ng Nestlé cookie dough. Kabilang sa mga ni-recall ay ang Simply Delicious Nestlé Toll House Chocolate Chip Cookie Dough, Nestlé Toll House Chocolate Chip Tub at M&M’S Everyday Cookie Dough.

Ang mga nabanggit na produkto ay ibinebenta sa buong Estados Unidos at sa Puerto Rico.

“This voluntary recall only covers specific batch codes of the following products, which include ready-to-bake refrigerated Nestlé Toll House Cookie Dough bars, tubs and tube-shaped ‘chubs.’ These products were distributed in the continental U.S. and Puerto Rico,” ayon sa opisyal na pahayag ng Nestlé.

Ayon pa sa food company, ang sakop ng recall ay ang mga produktong may batch codes na nagsisimula sa 9189 hanggang sa batch codes na nagsisimula sa 9295. Ang mga nasabing batch codes ay makikita sa likod ng packaging ng mga produkto.

Imahe mula sa Nestle USA

Natagpuan na ang pinagmulan ng food-grade rubber contamination at naayos na ang isyu. Wala namang naiulat na sakit o pinsalang naidulot ang mga produkto.

Pinayuhan ng Nestlé ang mga costumer na nakabili ng mga apektadong produkto na huwag nang gamitin at itapon na lang ang mga produkto. Maaaring makipag-ugnayan ang mga customer sa kumpanya sa  pamamagitan ng [email protected].

“The quality, safety and integrity of our products remain our number one priority. We sincerely apologize for any inconvenience this action represents to both our consumers and retail customers,” pahayag pa ng Nestlé.

Imahe mula sa Nestle USA

 

Loading…