Road clearing operations sa Maynila lalo pang paiigtingin ni Yorme Isko Moreno

  • Paglilinis ng obstructions sa kalsada sa Maynila lalo pang paiigtingin
  • Ang nakuhang medium compliance rating mula sa DILG ang gagawing basehan ni Mayor Isko para mas mapabuti ang performance niya
  • Hinikayat ng DILG ang mga LGUs na ipagpatuloy ang nasimulan nang road clearing operations

Batay sa klasipikasyon na ginawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa partisipasyon ng mga local government units (LGUs) sa isinagawang 60-day road clearing operations, hindi nakakuha ng high compliance rating ang Lungsod ng Maynila.

Imahe mula sa DILG

Kabilang ang Lungsod ng Maynila sa ilang Metro Manila cities na binigyan ng DILG ng medium compliance ratings.

Sinabi ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na ang nakuhang grado mula sa DILG na medium compliance rating ang gagawin niyang basehan upang mas mapabuti pa ang performance niya sa mga darating na taon.

Sa pagbibigay ng grado ay pinagbatayan ng DILG kung gaano naging kaepektibo ang mga siyudad at munisipalidad sa buong bansa sa pagpapatupad ng direktiba ng ahensya na linisin ang lahat ng obstructions sa mga kalsada.

Anang alkalde, kumpara sa ilang Metro Manila cities, ang Maynila ay walang exclusive subdivisions kung saan ang mga road obstructions doon ay madali lang tanggalin.

“Manila, as you know, it was really dirty when I assumed bilang alkalde. We are about 896 barangays. If you will compare it, even if you combine all their operations in Metro Manila, it will not be enough. In Manila, we had about 3,000 operations before and during the memorandum released by DILG,” ani Mayor Isko Moreno.

Imahe mula sa Manila PIO

Nauna nang binalaan ni DILG Undersecretary Martin Diño na sususpendihin ang 99 Barangay captains ng Lungsod ng Maynila dahil hindi sumunod sa road clearing directive ng ahensya.

Samantala, hinihikayat ni DILG Secretary Eduardo Año ang lahat ng LGUs na hindi nakakuha ng mataas na grado na pagbutihin at ituloy ang nasimulan nang road clearing operations.

“Sustained operations are the key to success in the road-clearing operations. You need to exert more effort by eliciting the support of your punong barangays and your constituents. But everything begins with the political will of the mayor,” sabi ni Sec. Año.

Sa buwan ng Disyembre ay muling mag-iinspeksyon ang DILG sa lahat ng LGUs hinggil sa pagsasagawa ng road clearing operations.

DILG Sec. Eduardo Año/Imahe mula sa SMNI

Loading…