Sa layuning ilayo sa smartphone, mga batang mag-aaral sa Indonesia binigyan ng sisiw at halaman na aalagaan

  • Mga batang mag-aaral sa Indonesia, binigyan ng sisiw at halaman para alagaan
  • Ang layunin ng proyekto ay mailayo ang mga kabataan sa sobrang paggamit ng electronic gadgets tulad ng smartphone
  • Suportado ng mga magulang ang nasabing proyekto na tinawag na “chickenization”

Isang plano ang nabuo ng mga opisyal ng isang siyudad sa Indonesia upang mailayo ang mga kabataan sa sobrang pag-iinternet gamit ang kanilang smartphones.

Screenshot mula sa CNN video

Noong Huwebes, ika-21 ng Nobyembre, isinakatuparan ng mga opisyal ng Bandung, West Java ang kanilang plano sa pamamagitan ng isang proyekto na tinawag nilang “chickenization” o ang pamimigay ng mga sisiw na aalagaan ng mga mag-aaral.

Pinangunahan ni Mayor Oded M. Danial ang pamamahagi sa mga mag-aaral sa isang paaralan doon ng inisyal na isang dosenang four-day old chicks na dapat nilang alagaan.

Ang mga sisiw ay nakakulong sa mga hawla na may nakasulat na “Pelihara aku dengan baik ya” na ang ibig sabihin sa wikang Ingles ay “Please take good care of me.”

Sa mga susunod na linggo ay ipamamahagi pa ang tinatayang dalawang libong piraso ng mga sisiw sa mga elementary at junior high school students sa hangaring mabawasan ang oras na ginugugol nila sa paggamit ng mga electronic gadgets, partikular na ang smartphones.

Screenshot mula sa CNN video

Batay sa isang pag-aaral na ginawa ng Global Digital Report 2019, ang mga Indonesians ay nag-iinternet ng tinatayang aabot ng eight hours and thirty six minutes kada araw . Ito ay halos dalawang oras na nakahihigit sa global average.

Bukod sa mga sisiw ay namahagi rin ang mga opisyal ng chili seedlings sa mga mag-aaral.

“It’s good to increase the discipline of children. Caring for trees is better than playing with cellphones,” sabi ng isang ina na ang anak ay nabigyan ng halamang aalagaan.

Screenshot mula sa CNN video

“It’s more beneficial for them to take care of chicks than play with smartphones,” sabi naman ng isang ina na ang anak ay nabigyan ng sisiw.

Ilan sa mga batang nabigyan ng sisiw ang nagsabi na may plano na sila sa mga alaga nila. Isang fifth grader ang nagsabi na pararamihin niya ang mga sisiw na alaga. Isang seventh-grade naman ang nagsabing aalagaan niya ang sisiw hanggang lumaki at pagkatapos ay lulutuin.

Screenshot mula sa CNN video

Loading…