“Safer Philippines Project” inilunsad ng DILG gamit ang surveillance system na made in China

  • “Safer Philippines Project” pormal nang inilunsad ng DILG
  • Ang proyekto ay gagamit ng high-tech surveillance system na gawa ng China
  • Sa ilalim ng proyekto ay ipakakalat ang 12,000 CCTV cameras sa mga LGUs sa Metro Manila

Pormal na inilunsad ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang “Safer Philippines Project” noong nakaraang linggo bilang bahagi ng mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan upang mabawasan ang crime rate at mapabuti ang emergency response time sa pamamagitan ng paggamit ng state-of-the-art technology.

Imahe mula sa PNA

Isang crime prevention measure ang nasabing programa na gumagamit ng high-definition at advanced closed-circuit television (CCTV) cameras. Ang China International Telecommunication Construction Corporation ang contractor ng proyekto.

Isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng DILG at limang local government units sa Metro Manila kabilang ang Marikina, Parañaque, Pasig, San Juan, at Valenzuela. Ang Marikina ang magsisilbing pilot city para sa proyekto kung saan ito inilunsad ng ahensya noong Biyernes, ika-22 ng Nobyembre.

Nilinaw ni DILG Secretary Eduardo Año na bagaman at isang Chinese company ang  provider ng mga surveillance equipment, ang buong proyekto ay patatakbuhin ng all-Filipino technicians.

“They provide the equipment, and after providing the equipment, we’ll take care of this. There will be no adviser, there will be no Chinese technician, all Filipino,” anang kalihim.

Imahe mula sa Page One

Sa ilalim ng programa, aabot sa 12,000 units ng CCTV cameras ang ikakabit, ang 234 doon ay ikakabit sa Marikina City.

Ipupuwesto ang mga surveillance cameras sa mga lugar kung saan talamak ang mga krimen, pagbaha, mabigat na daloy ng trapiko at 0.

Ayon kay Sec. Año, dahil sa proyekto ay inaasahang bababa ng 15% ang bilang ng mga krimen at bibilis ng 25% ang response rate ng mga law enforcers at emergency responders.

Imahe mula sa DILG

“A similar system is in place in many cities in the world especially in large metropolitan cities like Metro Manila. It’s about time we have a similar system in our country,” sabi ni Sec. Año.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng dalawampung bilyong piso na ang malaking bahagi ay uutangin sa China Eximbank.

Source :

PNA, Philstar

Loading…