Sampung taon matapos itigil ang operasyon dito sa bansa, FedEx kinumpirmang babalik sa Pilipinas

  • American logistics company na FedEx, ibabalik ang operasyon sa Pilipinas
  • Ang FedEx ay umalis sa bansa noong 2009 at lumipat sa China
  • Ang pagbabalik ng FedEx ay bunsod ng pagpapalawig ng operasyon nito sa buong Asia Pacific region

Kinumpirma ng FedEx, isang malaking American logistics company, na ibabalik nito ang operasyon sa Pilipinas na natigil sampung taon na ang nakalilipas matapos itong lumipat sa Guangzhou, China noong 2009.

Imahe mula sa FedEx

Ang nakaambang pagbabalik ng FedEx ay bunsod umano ng pagpapalawig ng kanilang operasyon sa buong Asia Pacific region.

“Our planned operations in Clark will enable us to better serve our customers in the Philippines and are part of our ongoing expansion throughout the Asia Pacific region as our business continues to grow,” pahayag ni John Peterson, ang managing director ng FedEx Express Philippines.

Ayon kay Philippine Ambassador to the United States na si Jose Manuel Romualdez, ang unang bahagi ng operasyon ng FedEx sa Clark, Pampanga ay sisimulan sa 2nd quarter ng taong 2020 habang itinatayo ang mas malaki nitong logistics hub na inaasahang matatapos sa taong 2024.

Ayon kay Ambassador Romualdez, sa pagkakataong ito ay higit na mas malaki ang magiging operasyon ng FedEx sa Pilipinas.

Samantala, nilinaw naman ni Peterson na ang gagawing pagbabalik sa PIlipinas ay hindi nangangahulugan na kanila nang lilisanin ang bansang China.

Imahe mula sa FedEx

“FedEx is not relocating and has no plans to relocate its Asia Pacific Hub,” paglilinaw ni Peterson.

“FedEx is committed to the Asia Pacific region, including our customers and employees in both China and the Philippines, and we continue to consider opportunities and make strategic investments to expand our service, enhance our network and provide greater global connectivity,” dagdag pa niya.

Sa gagawing pagbabalik ng FedEx, umaasa si Ambassador Romualdez na magsisilbi iyong “magnet” sa iba pang kumpanya para mamuhunan sa Pilipinas. Ito’y mangangahulugan ng mas maraming trabaho para sa mga Pilipino.

Imahe mula sa FedEx

Loading…