Saranghae! “Korea Town”, balak itayo sa Maynila

  • May balak na magkaroon ng “Korea Town” sa Pilipinas
  • Ayon ito kay South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-man
  • Ipinagdiriwang ng Pilipinas at South Korea ang 70th anniversary ng bilateral relations

Ipinahayag ni South Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-man ang balak nilang pagpapatayo ng “Korea Town” sa Malate, Maynila, sa panayam sa kaniya sa “The Virtual Presser” na inorganisa ng Presidential Communications Operations Office Global Media Affairs noong Martes, Nobyembre 20, 2019.

“There are a lot of Korean restaurants and many Korean tourists visited there. With Manila City, we are envisioning to make that area, Malate area, as Korea Town,” saad ni Han Dong-man.

Dagdag pa niya, nakadaupang–palad na niya umano si Manila Mayor Isko Moreno at humingi siya ng suporta sa kaniyang balak.

Public Domain Image

Ayon pa rin kay Han, tinatayang umabot sa 1.6 milyong Korean tourists ang bumisita sa Pilipinas noong 2018. Ipinangako raw niya kay Pangulong Rodrigo Duterte na itataas pa niya ang bilang na ito sa 2 milyong habang siya ay nakaupo bilang embahador ng Korea.

Halo–halo naman ang naging opinyon dito ng netizens.

“Pero sana huwag sila makalat. Mga Pinoy din naman kasi, ang kakalat. Akala tuloy ng mga foreigners okay lang magkalat dito.”

“Dapat magtayo rin tayo ng Philippine town sa Seoul. Tingnan natin kung ano ang magiging reaksyon ng mga Koreano. Ang luwag–luwag natin sa mga Korean samantalang tayo, simpleng travel lang sa bansa nila, sandamakmak ang requirements na hinahanap nila. Dapat may show money ka pa.”

“We’re not Koreans, we’re Filipinos. Naghahanap ng asensadong Pilipinas, but we are still catering foreign offers a lot.”

“Okay ang Korean resto, puro Pinoy ang worker so nakakatulong sa economy. Tingnan ninyo yung mga Chinese business dito, puro sugal, pero mga worker nila puro Chinese din. Walang pakinabang Pilipinas sa mga business na pinapasok ng mga Chinese dito.”

Public Domain Image

Ipinagdiriwang ng Pilipinas at South Korea ang 70th anniversary ng bilateral relations sa pagitan ng dalawang bansa na nagsimula sa pagbibigay ng military assistance ng Pilipinas sa South Korea noong 1949 kontra North Korea.

Loading…