SB member Mia, nasaan na nga ba?

Imahe mula sa Fanpix.net at Instagram | Mia Pangyarihan
  • Kilala si SB Mia bilang isa sa mga orihinal na miyembro ng all female group na Sexb0mb Dancers
  • Kuwento niya, noon pa man ay gusto na niyang magkaroon ng sariling business
  • Ngayon ay mayroon na siyang dalawang restaurant na nagse-serve ng unlimited food

Isa ka rin ba sa mga batang 90s na kayang sumabay sa song and dance number ng Sexb0mb Girls? Hindi ka rin ba natutulog sa tanghali dahil inaabangan mo ang Daisy Siete?

Kung ganoon ay kilala mo si Sexbomb girl Mia Pangyarihan na isa sa mga original members ng grupo. Nasaan na nga ba siya ngayon?

Imahe mula sa Instagram | Mia Pangyarihan

Kamakailan lamang ay na-interview ng Push, ang showbiz news site ng ABS-CBN, si Mia na ngayon ay may-ari na ng dalawang restaurant – ang Templo, isang Chinese restaurant, at Yoshi-Meat-Su, na fusion naman ng Japanese at Korean cuisine.

Kuwento ni Mia, naisip niyang magbukas ng mga restaurant na may unlimited food dahil hilig niya rin ang kumain.

“Naging hyped sa atin yung mga unlimited grill kaya kahit ako, aminado akong adik ako sa unli grills. Siguro for one to two months, as in every other day or every day, nagtitiyaga akong pumila ng three to four hours para lang kumain,” kuwento nya sa Push.

Dun na raw niya kinausap ang kanyang partners at nagsimulang planuhin ang Yoshi-Meat-Su. Lumipad pa raw sila pa-Japan para kumuha ng mga ideya para sa restaurant.

“Sabi nila, siguro ang gawin natin, ‘yung side dishes natin ay Japanese para maging iba tayo sa lahat ng unli grill sa Manila,” sabi niya.

Gayunpaman, hindi naging madali para kay Mia ang mag-handle ng negosyo. “Sobra siyang bago lahat, as in lahat from scratch,” sabi niya.

Imahe mula sa Instagram | Mia Pangyarihan

Samantala, kahit click na ang kanyang mga negosyo ay hindi pa rin iniiwan ni Mia ang kanyang first love.

“Nagsasayaw pa rin ako, nakakasama ko pa rin ‘yung Sexb0mb. Kahit sila, hindi rin nila maiwan ‘yung pagsasayaw kaya pag may show, o sige tara,” sabi niya. “Hindi ko ine-expect na from dancer to [businesswoman], p’wede pala. ‘Yung ibang tao iniisip, dancer lang ‘yan. Dancer ako at businesswoman.”

Source :

Push

Loading…