Sekyu sa paliparan na nakapulot at nagsauli ng pouch na dolyar ang laman, hinangaan

  • Isinauli ng isang on–duty security guard ang napulot na pouch na naglalaman ng salapi sa Lost and Found section ng NAIA
  • Naglalaman ang pouch ng malaking halaga ng US dollars
  • Walang identification card na natagpuan sa pouch kaya nahihirapan ang pamunuan na alamin kung sino ang may–ari nito

Sa hirap ng buhay ngayon, tila ginto sa talaksan ng mga dayami ang mga taong may tapat at dalisay na puso na magsauli ng mga napulot na gamit na hindi nila pag–aari. Kung tutuusin, maaari nila itong angkinin at isiping kaloob ito ng langit sa kanila, subalit minamabuti nilang isauli ito sa tunay na nagmamay–ari nito.

Imahe mula sa Facebook page ng News 5

Katulad na lamang ng isang sekyu o security guard na si Sanzebal Mastul kung saan nakapulot siya ng isang pouch na may lamang US dollars sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 o NAIA 1 habang siya ay naka–duty. Agad niya itong dinala sa Lost and Found section ng Manila International Airport Authority. Walang identification card umano ang may-ari ng pouch kaya pahirapan pa ring malaman kung sino ang nagmamay–ari nito. Nangyari ito noong Oktubre 31, 2019.

Tuwang–tuwa naman ang si MIAA General Manager Ed Monreal, sa ipinakitang katapatan ni Matul. Hindi birong salaping dolyar ang nasa loob ng pouch na napulot nito kaya naman hindi agad sinabi ng pamunuan ng MIAA kung magkano ang salaping laman ng napulot ng sekyu.

Humanga naman ang netizens sa ginawa ng sekyu. Umani ito ng papuri mula sa kanila.

“Mabuhay po kayo! You make us proud to be a Filipino, more blessings po!”

“Salute you sir isa kang huwaran nang ating hanay, salamat at lalo mong pinaganda ang imahe ng ating samahan, kahit ang tingin sa atin ng ibang tao ay tamad ang trabaho natin bilang security guard. I salute you, sir, pagpalain sana ang pamilya mo.”

Public Domain Image

“GOOD JOB SIR! Sana dumami pa ang mga katulad mo, at sana ang agency mo ay alagaan at i–reward ka sa iyong katapatan.”

As of posting ay wala pang kumukuha ng naturang pouch sa Lost and Found section ng paliparan. Sa claimant daw na kukuha nito, mangyaring magdala lamang ng valid identification card at kailangang masabi niya ang halaga ng dolyar na laman ng naturang pouch upang matiyak na siya nga ang nagmamay–ari nito.

Saludo kami sa iyo, Sanzebal Mastul!

Loading…