Sementeryo sa Pampanga, ilang taon nang hindi humuhupa ang baha

  • Patuloy na nagsasakripisyo ang mga residente at mga bumibisita sa sementeryo sa Brgy. San Rafael sa Macabebe, Pampanga
  • Pahirapan ang pagpasok at paglabas sa lugar dahil na rin sa ilang taon nang hindi humuhupa ang baha
  • Ayon sa NDRRMC, dulot ang pangyayari sa lugar ng land subsidence mula sa labis na ground water extraction o sobra-sobrang paghigop ng tubig sa ilalim ng lupa
Imahe kuha mula sa Youtube video ng GMA News

Ilang taon nang nagsasakripisyo ang mga bumibisita sa sementeryo na matatagpuan sa Brgy. San Rafael sa Macabebe, Pampanga.

Sa ulat ni Ian Cruz sa programang State of the Nation ng GMA News, kapansin-pansin ang problemang kinakaharap ng mga kaanak ng mga yuma0. Tuwing sasapit na lamang kasi ang araw ng Undas ay matinding baha ang kailangan nilang harapin makarating lamang sa puntod ng kanilang mga minamahal sa buhay.

Maging ang mga residente sa lugar ay nahihirapan sa pang-araw-araw nilang pamumuhay dahil na rin sa taas ng tubig na lumamon na sa ibang mga nitso.

“Malungkot po kung sa ano kasi bihira lang mag-ano ‘yung Undas. ‘Yung mga ibang dumadalaw hindi pa makapasok. Yung mga pumapasok na lang sacrifice na lang,” ani Edwin Farniñas na sumusuong sa abot-baywang na baha marating lang ang puntod ng kaanak.

Ayon sa NDRRMC, dulot ang pagbaha sa lugar ng land subsidence na resulta ng labis na ground water extraction o sobra-sobrang paghigop ng tubig sa ilalim ng lupa.

“Ang Macabebe is basically, since the time of Mt. Pinatubo eruption, has become a catch basin of all the water from the upper stream,” ani MDRRMO Joel Cruz.

Imahe kuha mula sa Youtube video ng GMA News

Dagdag niya, “Aside from ‘yung binabaha kami dahil mababaw iyong mga ilog namin, plus pa iyong land subsidence kaya nagtatagal ‘yung tubig dito sa bayan ng Macabebe.”

Wala namang nabanggit na iba pa sa report kung may solusyon nang inihahanda para maresolba ang problema sa lugar. Sa ngayon ay patuloy na nagtitiis ang mga taga-Pampanga para patuloy na gunitain ang Undas.

Source :

Youtube

Loading…