Simoy ng Pasko, pinadama sa UST community sa pamamagitan ng flash mob

Imahe mula sa video ng University of Santo Tomas via Facebook
  • Naghandog ng flash mob ang mga mag-aaral sa UST bilang pagbati sa mga Tomasino ng “Maligayang Pasko”
  • Nag-alay ang mga chorale ng awiting “Pasko Na Naman,” isang Christmas song na popular sa mga Pilipino
  • Hudyat ito ng nalalapit na pagdariwang ng taunang “Paskuhan”

Damang-dama na ang simoy ng Pasko sa University of Santo Tomas (UST) matapos sorpresahin ng mga miyembro ng chorale mula sa iba’t ibang organisasyon ang Thomasian community sa pamamagitan ng isang flash mob.

Imahe mula sa video ng University of Santo Tomas via Facebook

Sa video ng UST, makikitang unti-unting nagtipon ang mga estudyante at mala-anghel na nag-alay ng awiting “Pasko Na Naman” sa Plaza Mayor.

“It was a short but sweet way to give Thomasians a feel of the Christmas season. While enjoying the classic Santo Tomas ice cream, Thomasians at the Plaza Mayor were treated to the first-ever UST flash mob, which put together the choral groups of the different faculties, colleges, institutes, and schools,” sabi ng UST.

“Mga Tomasino, Pasko na naman! Paskuhan na naman! Ating salubungin ang Kapaskuhan nang may pagpapasalamat at galak!” dagdag pa ng UST.

Naghatid naman ng nostalgia ang video – na sa kasalukuyan ay may 17k reactions, 10k shares, at 462k views na – sa mga alumni nito na ngayon ay nasa iba’t ibang dako na ng mundo.

Imahe mula sa video ng University of Santo Tomas via Facebook

“Naalala ko nung member ako ng UST Goldies SingOut nung 70s. Ang saya saya namin at ang dami ko naging friends from all colleges of our Alma Mater. I am proud to be a Thomasian!” sabi ni Victoria Icasiano.

Ikinatuwa naman ni Michichu Juco Dela Cruz ang rendition ng mga choir.

“Voices! WOW! Iba talaga pag Thomasian singer renderedl! Very very traditional, chills down to the bone! SUPER LOVE PROUD THOMASIAN!”

Kilala ang UST sa pagdaraos ng taunang Paskuhan kung saan naghahandog ng concert ang iba’t ibang mga lokal banda. Hindi rin pinalalampas ng mga Tomasino ang fireworks display na naging tatak na rin ng Paskuhan sa UST.

Ginaganap ang Paskuhan, na bukas hindi lamang para sa mga taga UST, tuwing una o ikalawang linggo ng Disyembre.

Loading…