Sino nga ba si Ed Caluag sa tunay na buhay?

  • Nakilala ng publiko ang paranormal investigator na si Ed Caluag nang malimit itong mag-guest sa Kapuso Mo Jessica Soho
  • Kasabay ng kaniyang pagsikat, marami rin ang nambabatikos sa kaniya sa social media
  • Ngunit sino nga ba si Ed Caluag? Iyan ang tinangkang sagutin sa isang dokumentaryo ni Pia Arcangel

“Giving up is not an option. Dito sa giyera na kung tawagin natin ay buhay, ‘yung pagsuko ay hindi kasama sa pagpipilian.”

Ito ang aral na ibinahagi ni Ed Caluag, isang paranormal investigator, nang itampok siya sa dokumentaryong Tunay na Buhay ni Pia Arcangel.

Imahe mula sa Facebook account ni Ed Caluag

Si Ed ay nakilala ng publiko dahil sa ng malimit nitong pag-guest sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho sa tuwing may mga episode itong pumapaksa sa kababalaghan o sa mga bagay na mahirap ipaliwanag ng siyensiya.

Gayunman, maraming netizen ang bumabatikos sa kaniya online, lalo pa’t may mga hindi nakauunawa sa kaniyang mga psychic abilities.

Binisita ni Pia si Ed sa isang bahay sa Malolos, Bulacan, na saksi umano sa mga kakayahan ni Ed bilang paranormal investigator.

Ang bahay na iyon ay may mahalagang papel sa ating kasaysayan pagkat dito umano namahay isa sa mga kadalagahan sa Malolos na sinulatan ni Jose Rizal. Sa bahay na iyon umano nagsimulang mag-meditate si Ed at nakita ang mga taong tumira roon.

Sakitin dawsi Ed noong bata pa siya. Sa edad na pito ay nagkaroon umano siya ng mataas na lagnat hanggang sa magtuloy-tuloy ito. Nakitaan din siya noon ng sintomas ng polio kaya nagkaroon ng depekto ang kaniyang mga buto.

Hindi siya nakalakad sa loob ng dalawang taon kaya lagi siyang naiiwang mag-isa at laging nakaupo sa rocking chair. Dahil nais niyang makapag-aral, nilabanan umano ni Ed ang kaniyang kondisyon.

“Gumawa ako ng way kung paano ako tatayo, paano ako lalakad. Kumakapit ako sa mga gilid ng bintana hanggang sa naitapak ko ang paa ko na parang kaya kong lumakad. Nagulat na lamang ang nanay ko, iniwan niya ako sa taas, dumating siya nasa baba na ako,” salaysay ni Ed.

Imahe mula sa Facebook account ni Ed Caluag

Dito na rin umano nagsimulang makakita si Ed ng mga espiritu. Ibinahagi rin niya na sa tuwing aalis ng bahay ang kaniyang nanay ay may isang bata siyang laging kalaro, na hindi pa siya aware kung sino iyon.

Inamin ni Ed na nahirapan din siya sa pagkakaroon ng ganitong kakayahan dahil hindi niya magawang magkuwento sa iba. Kung magkukuwento naman, karaniwan siyang napaparatangan na gumagawa lamang ng kuwento.

Sa kabila nito, nagdesisyon pa rin si Ed na pagyamanin ang kaniyang natatanging abilidad hanggang sa nagsimula na siyang magbasa at bumili ng mga aklat na makatutulong sa kaniya.

Loading…