‘Sleep is life’: Heart Evangelista, trending muli sa social media dahil sa kanyang funny video

Imahe mula sa video ni Heart Evangelista via Twitter
  • Muli na namang nag-trend si Heart Evangelista sa Twitter dahil sa kanyang video na nagpapatunay na ‘sleep is life
  • Marami namang natuwa kay Heart at sinabing relatable talaga ang aktres
  • Umani na ng libu-libong views ang nasabing video

 

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Kinagiliwan muli ng netizens ang aktres na si Heart Evangelista matapos itong magpost ng six-second video na nagpapatunay na “sleep is life.” Makikitang nasa loob ng sasakyan ang naka-pusturang si Heart at nagtanong sa driver kung ilang minuto pa ang kanilang biyahe.

Sumagot naman ang driver na may 10 minutes pa. “10 minutes pa?” pagkumpirma ni Heart, sabay pikit at higa sa unan. Paliwanag ni Heart sa caption: “Yung pagod na pagod ka and every minute counts . zzzzzzz.”

Marami naman ang naka-relate kay Heart at sinabing bumabawi rin sila ng tulog sa biyahe. Sa kasalukuyan ay may mahigit 424k views na ang video na ipinost niya sa kanyang Twitter account.

“Hala, very me pero ako walang tanong tanong, diretso sleep,” sabi ni Twitter user @ajuvhahaha_

Sabi naman ni @thenameischrisz, “Heart! Napakarelatable mo talaga.”

Ilang netizens din ang nag-alala raw para sa on fleek na kilay at eyeliner ni Heart dahil bigla na lang itong humiga sa unan. “Ako lang ba nag-alala if na smudge yung liner nya?” tanong ni @siopaueee.

“Sa kilay niya rin. Mygahd,” sagot naman ni @XII_Archer_IX

Imahe mula sa Instagram | Heart Evangelista

Hilig ni Heart na mag-post ng mga video na talaga namang kagigiliwan ng mga netizens. Matatandaang nag-trend din ang video ni Heart kung saan ipinakita niya ang kanyang outfit of the day (OOTD) na isang magarang gown dahil pupunta raw siya sa grocery para bumili ng corned beef.

“This is my look for today. I am on my way to the grocery to buy corned beef,” sabi ni Heart sa video.

Binawi naman niya ito at sinabing pupunta siya sa isang event.

Sinundan pa ito na isa na namang “OOTD” video kung saan naka-white dress naman si Heart na biro niya ay suot niya para bumili ng itlog na pula.

Panoorin ang trending video ni Heart dito.

Click the image to watch the video via Twitter
Source :

Twitter

Loading…