SMC kauna-unahang Filipino company na gagamit ng biodegradable plastic packaging

  • SMC gagamit ng biodegradable plastic packaging
  • Ang biodegradable plastic ay gawa ng isang maliit pero innovative Filipino company na Philippine Bioresins Corporation
  • Gagamitin ng SMC ang biodegradable plastic bilang packaging sa semento, feeds, grocery bags at food packaging

Nakatakda ang San Miguel Corporation (SMC) na maging kauna-unahang Filipino company na gagamit ng plastic packaging na biodegradable.

Imahe mula sa SMC

Ayon sa SMC, na siyang pinakamalaking food processor sa Southeast Asia, gagamitin nila ang teknolohiya ng Philippine Bioresins Corporation, isang maliit pero innovative Filipino company, na nakapag-develop at nakasubok na ng biodegradable plastics.

Sabi ng SMC president and chief operating officer na si Ramon Ang, gagamit sila ng biodegradable plastic woven packaging o sako na gawa ng Philippine Bioresins Corporation. Gagamitin nila iyon bilang packaging ng semento, feeds, grocery bags, at food packaging.

“Initially, we will use it for cement packaging. What we will use is a biodegradable plastic woven packaging, or sack. This is proudly developed by Filipino inventors, using local materials, and made by local workers,” ani Ang.

Kamakailan lang ay binigyan ng Department of Science and Technology-Industrial Technology Development Institute ng Environmental Technology Verification certificate ang Philippine Bioresins Corporation.

Imahe mula sa SMC

Ang sertipikasyon mula sa DOST-ITDI ay nagpapatunay na ang biodegradable polypropylene na ginagawa ng Philippine Bioresins Corpoaration ay 64.6% degraded na sa loob ng 24 months, kumpara sa non-biodegradable plastics na 4.5% degraded lang sa loob ng 24 months.

“We have always been looking for innovative environmental technologies, and we are excited about this development. We are looking forward to using biodegradable plastics, and this is just the beginning, as they are developing other technologies in this field,” anang SMC president and CEO.

Bukod sa paggamit ng biodegradable plastic packaging, ang SMC ay bumibili rin ng mga patapong used plastic water bottles at bags na ginagamit nilang panggatong sa kanilang cement plant. Gumagamit din sila ng mga lumang gulong ng sasakyan bilang panggatong sa planta ng semento.

Imahe mula sa World News

Loading…