Sobrang paggamit ng computer, nagdudulot ng ‘Computer Vision Syndrome’

Imahe mula sa American Optometric Association
  • Sa ating modernong panahon, parte na ng araw-araw ang paggamit ng computer para gumawa ng takdang aralin o ng trabaho
  • Dahil dito, nagbabala ang mga eksperto na ang sobrang paggamit ng computer ay maaaring magdulot ng Computer Vision Syndrome
  • Nagbigay rin naman sila ng payo kung paano maiiwasan ito

Halos lahat ngayon ay nasa Internet na kaya naman hindi maiwasan na mapa-estudyante o manggagawa man ay madalas nang nakatutok sa computer o laptop screen. Babala ng mga eksperto, may masamang dulot ito para sa mga mata.

Imahe mula sa video ng GMA News via Facebook

Sabi ni Dr. Leo Cubillan ng Philippine Eye Research Institute, ang madalas na pagbababad sa harap ng computer ay maaaring magdulot ng Computer Vision Syndrome.

Ilan sa mga sintomas nito ang pagda-dry at pamumula ng mata. Minsan, makakaranas din ang mga mata ng pakiramdam na tila may “foreign body.”

“Also, because your eyes are accommodating more, they are working more, so you will experience pain and headache sometimes,” sabi ni Dr. Cubillan.

Isa sa mga nakakaranas ng Computer Vision Syndrome si Valerie Cortez dahil bilang Graphic Artist ay parte na ng kanyang araw ang pagharap sa computer para mag-design at magrevise.

“May burning sensation po siya sa mata. Then, parang namumula siya at nagda-dry talaga yung eyes ko,” sabi niya sa isang interview sa GMA News.

Dahil marami ang kagaya ni Cortez, pinapayo ng mga eksperto na gawin ang 20-20-20 rule kung saan tuwing 20 minuto, tumitingin ang mata sa distansyang 20 feet sa loob ng 20 segundo.

“Because the natural position of our eye is 20 feet away, 20 feet, your eyes relax. When you look nearer, the muscles of the eye are working so you can’t focus so nagkaka eye strain,” sabi niya.

Imahe mula sa American Optometric Association

Dapat din daw na eye level lang ang posisyon ng computer screen. Kung hindi raw kasi ay mas dumidilat ang mata kaya lalo itong nagiging dry.

Hindi naman daw permanente ang sira na dala ng Computer Vision Syndrome pero sabi nga nila, prevention is better than cure.

Source :

GMA News

Loading…