“Sorry state” ng mga atletang Pinoy pinaiimbestigahan sa Kamara

  • Kaawa-awang kalagayan ng mga Pinoy athletes ipinasisilip sa Kamara
  • Naghain ng isang resolusyon si Cavite rep. Elpidio Barzaga upang hilingin sa House Committee on Youth and Sports Development na silipin ang kalagayan ng mga atleta
  • Layunin ng resolusyon na ma-review ang mga umiiral na batas kung angkop ang mga ito sa mga atleta

Isang mambabatas ang naghain ng resolusyon sa mababang kapulungan ng Kongreso upang alamin ang tunay na kalagayan ng mga atletang Pinoy.

Imahe mula sa Edusentro

Inihain ni Cavite Representative Elpidio Barzaga ang House Resolution No. 50 na humihiling ng “investigation in aid of legislation” sa House Committee on Youth and Sports Development sa tinawag niyang “sorry state” ng mga manlalarong Pinoy.

“The sorry plight of our national athletes still persists, despite the apparent financial support, our national athletes still plea that it is not enough or sadly becomes lost in the midst of powerplay,” pahayag ni Barzaga.

Bilang paghahalimbawa ay binanggit ng Congressman ang kaso ni Chess Grandmaster Wesley So, na kamakailan lang ay nag-kampeon sa World Fischer Chess Championship, na kasalukuyang naglalaro sa ilalim ng bandila ng Amerika matapos nitong madismaya sa sistema ng sports sa Pilipinas.

Si Wesley So ay tubong Bacoor, Cavite na nagdesisyong maglaro sa ilalim ng Amerika sa tulong ng isang adoptive mother upang lalong mapahusay ng paglalaro ng chess. Isiniwalat niya na hindi niya makakamit sa Pilipinas ang tulong na kinakailangan upang mas lalong humusay sa larangan ng chess.

Wesley So/Imahe mula sa Chess.com

Nadismaya pa si Wesley So nang hindi niya matanggap ang isang milyong pisong ipinangako sa mga atleta na makapag-uuwi ng gintong medalya, na nagawa niya nang manalo sa World Universiade Games sa Kazan, Russia noong 2013.

Isiniwalat din ni Rep. Barzaga ang kaso ng dalawang Paralympics athletes na hindi natatanggap ang P15,000 monthly allowance sa loob ng dalawang taon mula nang mapabilang sila sa national training pool.

Ayon sa mambabatas, nais niyang malaman kung nakatatanggap ng sapat na suporta mula sa pamahalaan ang mga Pinoy athletes. Layunin umano ng inihain niyang resolusyon na ma-review ang mga umiiral na batas kung angkop ang mga ito sa mga atleta.

Source :

Remate, RMN

Loading…