State Colleges kinukonsiderang itigil ang pag-aalok ng Senior High School Program – CHED

  • SUCs nais nang itigil ang pag-aalok ng SHS program
  • Isa sa mga dahilan ay ang kakulangan ng mga guro na gustong magturo ng SHS
  • Nahihirapan din ang SUCs na pasuwelduhin ang mga faculty members na nagtuturo sa SHS level

Seryosong pinag-iisipan ng mga State Universities and Colleges (SUCs) na itigl na ang pag-o-offer ng Senior High School (SHS) o Grade 11 to Grade 12 sa ilalim ng K to 12 Program, ayon sa Commission on Higher Education (CHED).

Imahe mula sa DepEd

Ibinunyag ni CHED Chairman Dr. J. Prospero De Vera III sa isang interview na ilang SUCs na ang tumigil sa pag-aalok ng SHS Program dahil sa mga problema sa implementasyon niyon.

Isa sa mga dahilang binanggit ay ang kakulangan ng mga guro na magtuturo ng SHS.

“Many of them have stopped offering the SHS program starting this School Year. SUCs are having a hard time maintaining the program – for instance, it’s difficult to look for teachers who are willing to teach senior high,” ani De Vera.

Nahihirapan din umano ang mga SUCs na pasuwelduhin ang mga faculty members na nagtuturo sa SHS level.

“The P7,000+ they get per student is not enough to pay the faculty,” sabi pa ng CHED chairman.

Si De Vera ay nauna nang nagpahayag ng pagsuporta sa planong rebisahin ang K to 12 Program, lalung-lalo na ang SHS.

Isa sa mga sisiyasatin ay ang bilang ng mga paaralan na nag-o-offer ng lahat ng SHS tracks.

Imahe mula sa DepEd

Ang SHS Program ay may apat na tracks, kabilang ang Academic track, technical-vocational-livelihood track, Arts & Design track at Sports track.

Ang katotohanan, sabi ni De Vera, ay hindi lahat ng paaralan ay nag-aalok ng lahat ng SHS tracks.

“If all the tracks are available for the students and they make their choice in SHS to go to a specific track, then we can already enact policies when they go to the universities,” ani De Vera.

“The decision of the Commission was whatever track you came from, you can go to any degree program in universities because they were not given an option in SHS and therefore, we will be discriminating on the students if we restrict their choice of a degree program on the SHS track that they took because that might not have been their choice in the first place,” paliwanag pa niya.

Imahe mula sa PTV News

Isa pa sa idinahilan ng SUCs na itigil na ang pag-aalok ng SHS Program ay ang kakulangan ng mga classrooms.

“The SUCs now need the classrooms and faculty for the regular students coming from high school,” ani De Vera.

Loading…