Steve Dailisan sa pagiging journalist at ngayon ay piloto: “May mga panahong nagduda ako sa kakayanan ko”

  • Isa nang commercial pilot ang dating mamamahayag na si Steve Dailisan
  • Ayon sa kanya, hindi naging madali ang pagpapalit niya ng karera dahil maraming pagsubok siyang hinarap
  • Gayunman, ang pangarap niya ang kanyang naging motibasyon upang magtagumpay

Marami ang nagtaka noon kung bakit hindi na napanood sa telebisyon ang journalist ng GMA Network na si Steve Dailisan. Inilahad rin naman ni Dailisan ang totoong dahilan kung bakit niya iiwan ang larangan kung saan ay unti-unti na siyang umuukit ng pangalan.

Mayroon kasing tinahak na bagong landas ang dating mamamahayag. Ngayon, isa nang commercial pilot si Dailisan at nakuha ang kanyang lisensya ngayong taon din lamang. Sa kanyang bagong karera, literal na mas mataas na ngayon ang lipad niya ngunit pag-amin ng dating Kapuso, hindi naging madali ang lahat bago niya nakamit ang tagumpay.

Larawan mula sa YouTube video ng Insight 360

Ayon sa isang pahayag ni Dailisan para sa YouTube channel na Insight 360, pangarap niya raw talagang maging piloto. Naisipan niya raw na tuparin ang kanyang pangarap dahil kung hindi raw, alam niyang mayroong kulang sa kanyang pagkatao.

Pero hindi naman itinanggi ni Dailisan na marami siyang naging sakripisyo bago nakamit ang pangarap. Isa na raw dito ay ang iwan niya ang isang maayos na trabaho na may maayos na kita. Ibang-iba raw ang pagpipiloto sa pagiging mamamahayag kaya naman naramdaman daw niya na talagang nagsimula siyang muli sa wala sa bagong landas na tinahak.

“Marami talaga akong isinakripisyo… Nandudoon iyong stable job. It’s the fact that you will start from scratch. This one is purely math, science, and of course iyong pagkatao mo rin because attitude is very important in flying,” salaysay ni Dailisan.

Inilahad rin niya na kahit na nagtapos siyang magna cum laude sa kursong Journalism sa Polytechnic University of the Philippines (PUP), minsan pa rin siyang nagduda sa kanyang kakayahan. Pero hindi naman daw niya kinalimutang mag-enjoy sa mga bagay na natututuhan niya kaya naman bandang huli ay nagtagumpay pa rin siya.

I-click ang larawan upang mapanood ang video

“I think iyong mga challenges na iyon — financially, emotionally, it’s physically demanding as well. May mga panahong nagduda rin ako sa kakayahan ko, siyempre, tao lang. Pero I think ang pinakamasarap na part dun is you enjoy the entire experience,” dagdag ni Dailisan.

Sinabi rin ni Dailisan na nasa punto na siya ng kanyang buhay na matagumpay na siya, hindi dahil marami na siyang nakamtang karangalan, kung hindi dahil masaya na siya at nakapagbibigay siya ng inspirasyon sa kapuwa.

Source :

YouTube, GMA News

Loading…