Subic Gymnasium, tinawag ng top foreign sports official na “the best Sepak Takraw venue in SEA Games history”

  • Subic Gymnasium, pinuri ng isang top official ng Sepak Takraw Federation
  • Sinabi ng sports official na sa buong kasaysayan ng SEA Games ay isa sa pinakamagandang venue na gagamitin sa larong Sepak Takraw ang Subic Gymnasium
  • Ang Sepak Takraw events ay sisimulan sa December 1 hanggang sa December 10, 2019

Hindi napigilan ng isang top executive ng international governing body ng Sepak Takraw ang paghanga sa Subic Gymnasium, ang venue para sa Sepak Takraw competition sa idaraos na 30th Southeast Asians (SEA) Games 2019 na sinimulan nitong Sabado, ika-30 ng Nobyembre.

Imahe mula sa Olympic Council of Asia

Sa isang press conference noong Biyernes, ika-29 ng Nobyembre, ibinulalas ni Abdul Kader, ang Director General ng International Sepak Takraw Federation ang paghanga niya sa ganda ng bagong renovate na Subic Gymnasium.

Aniya, sa buong kasaysayan ng SEA Games ay isa sa pinakamagandang venue na gagamitin sa larong Sepak Takraw ang Subic Gymnasium.

Ipinahayag din ni Kader ang kanyang kumpiyansa na magiging isang malaking tagumpay ang hosting ng Pilipinas sa 30th editon ng SEA Games. Ipinangako rin niya na walang magiging anumang problema na magsasanhi ng pagkaantala ng pag-usad ng sepak takraw competitions.

“I promise to the Philippine government and Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee that sepak takraw will go without any disruption,” aniya.

Imahe mula sa Philippine Sepak Takraw Association, Inc.

Samantala, sinabi ng Philippine Sepak Takraw team na hindi sila magpapatalo sa reigning champion team – ang Thailand, at sa Myanmar na sumungkit ng silver medal sa nakaraang edition ng SEA Games lalo na ngayong hawak nila ang homecourt advantage.

Sinimulan ang Sepak Takraw events mula sa ika- 1 hanggang ika-10 ng Disyembre. Kabilang sa mga kategorya ng laro ay ang “Hoop,” “Regu,” “Team Double,” at “Team Regu.”

Source :

Inquirer, Remate

Loading…