Tumatama kasi sa kanya? Ginang ginupit ang buhok ng kapwa pasahero sa Japan

Image via Pixabay
  • Isang ginang sa Japan ang inaresto dahil sa paggupit ng buhok ng kapwa pasahero sa bus
  • Nagawa niya raw ito dahil tumatama sa kanya ang buhok ng babae
  • Naka-relate naman dito ang Filipino netizens at pumanig sa ginang

Nakasuhan ang isang 51-anyos na ginang sa Sapporo, Japan matapos niyang gupitin ang buhok ng 22-anyos na kapwa pasahero sa bus.

Kita sa security camera footage ng bus ang nasabing insidente kung saan gamit ang brow scissors ay ginupit ng ginang ang buhok ng nakaupo sa harap niyang babae. Inamin naman niya ang insidente at ipinaliwanag na nainis siya dahil tumatama sa kanya ang buhok nito.

Ayon pa sa police report, dumagdag sa galit ng ginang ang pag-upo ng babae sa pangdalawahang upuan habang naglalaro sa smartphone. Nang mapansin ng babae ang ginawa ng ginang ay pinigilan niya ito sa pagbaba mula sa bus kaya nahuli ito.

Imahe mula sa Facebook | Jerben Benj Perez

Samantala, pumanig naman ang Filipino commuters sa ginang dahil naka-relate sila rito. Sabi nila, madalas silang makasabay ng pasahero na akala mo ay nasa commercial ng shampoo dahil hinahayaang lumipad ang kanilang buhok. Marami na ring ganitong insidente na nag-trending sa social media.

Abril nitong taon, ibinahagi ng netizen na si Jerben Benj Perez ang sarili nitong encounter sa lumilipad na buhok sa jeep.

“Tag mo tropa mong napakain na ng buhok at tropa mong feeling nasa shampoo commercial pag nasa jeep,” sabi niya.

Ilan pang Facebook users ang nagbahagi ng kanilang opinyon tungkol sa insidente at may mga nagbanggit ng sarili nilang karanasan kung saan sila man ay nairita sa mga kapwa pasahero na tila walang pakialam sa mga katabi.

“Karamihan sa mga mahahabang buhok, mistulang  nasa commercial sila ng shampoo.  Walang  pakialam kung tamaan ka sa mukha ng buhok nila. Patay malisya pa kunyari,” kuwento ni D.  Chan.

Sabi naman ni M. Aballe, “I am not saying that it was right, but it was understandable. Probably would have done it too.”

“She is my hero. I hate it when other people’s hair gets in my face,” komento naman ng Facebook user na si C. Sacramento.

Imahe mula sa Facebook | Em em

Umaasa naman ang netizen na si A. Chaguile na magiging aral ang insidenteng ito para sa mga commuter. “It’s a lesson for you ladies to tie or hold your hair when in public transport! Do not act as if you are in a shampoo commercial!”

Trending din ang appreciation post kamakailan ng Facebook user na si Em Em para sa babaeng hawak ang kanyang buhok habang nasa jeep upang hindi ito makapang-abala o makairita sa kapwa niya pasahero.

“Buti pa si Ate, sensitive sa mga tao sa tabi niya,” sabi niya.

Source :

Inquirer

Loading…