Tuwa at papuri ng netizens bumuhos sa bagong anyo ng dating maruming Lawton underpass sa Maynila,

  • Malinis at bagong pinturang Lawton Underpass ibinida ni Mayor Isko Moreno
  • Ang dating marumi at madilim na underpass ay maaliwalas na ngayon
  • Maraming netizens na palaging gumagamit ng nasabing underpass ang lubos na nagpasalamat sa alkalde

Marumi, puno ng kalat at bandalismo ang Lawton underpass noon, pero ngayon ay nililinis na ito, nilagyan ng mga ilaw at pinahiran ng bagong pintura kaya maaliwalas na sa paningin.

Imahe mula kay Mayor Isko Moreno

Ang bagong bihis na underpass na katapat lang ng Mehan Garden ay ipinasilip ni Manila Mayor Isko Moreno sa kanyang social media account. Sa post niya noong Martes, ika-5 ng Nobyembre, pinasalamatan ng alkalde ang lahat ng mga tauhan ng city hall na naglinis ng underpass. Pinasalamatan din niya ang kumpanya na nag-donate ng pintura.

“Thank you Engr.. Andres and city engineering employees and to our City electrician Engr. Randy Sadac painting of LAWTON UNDERPASS by BOYSEN PAINT sa tapat ng Mehan Garden,” post ni Mayor Isko sa Facebook account niya.

Sa mga litratong ibinahagi ng mayor, makikita ang malalaking larawan ng mga puno’t halaman sa pader ng underpass.

Maraming Manilenyo ang nagpasalamat sa ginawang paglilinis sa nasabing underpass. Mas mukhang ligtas na raw ngayong dumaan doon dahil maaliwalas at maliwanag. Mahigit 5,200 komento ng kasiyahan at suhestiyon ang bumuhos sa post ni Yorme.

“Salamat po Mayor.. once na napadaan kami jan ng anak ko kasi pa Intramuros kami.. worried ako kasi daming nakatambay.. Pero now ang ganda na.”

“Beautiful painting! Maraming salamat po Mayor Isko at Engr Andres. Sana po pictures of places to go in Manila din po. Pangalagaan po natin ito mga kabayan.”.

Screenshot ng Facebook post ni Mayor Isko Moreno

May ilan naman na nagmungkahing lagyan ng mga bantay, CCTV camera at mas maraming ilaw ang underpass para sa kaligtasan ng mga dumaraan doon.

“More lights para mas lalong tumingkad ang ganda..tulad ng sa Ayala Ave. At lagyan din sana ng mga historical pictures at visible ang mga Kapulisan natin, at lagyan ng CCTV para makita kung may mag ba-vandalize at snatchers.”

“Tsaka lagyan bantay lagi sir para di pugad ng mga snatcher o h0ldaper. Takot na takot ako diyan tuwing magrereport ako sa agency sa Kalaw. Salamat mayor sa pagpapaganda.”

Loading…