Ukranian artist gumawa ng musical instruments gamit ang mga palito ng posporo

  • Ukranian artist gumagawa ng mga musical instruments gamit ang mga palito ng posporo
  • Nakagawa na siya ng 15 real-sized musical instruments na ginagamit ng isang musical band sa Ukraine
  • Nais ng artist na makagawa ng Guinness World Record bilang may pinakamalaking koleksyon ng musical instruments na gawa sa palito ng posporo

Target ng isang Ukranian artist na mapabilang sa Guinness World Records sa pamamagitan ng paggawa ng pinakamalaking koleksyon ng mga musical instruments na yari sa mga palito ng posporo.

Imahe mula kay Bogdan Senchukov

Ang labinlimang real-sized musical instruments na ginawa ng artist na si Bogdan Senchukov, kabilang ang dalawang gitara, accordions, violin at tambol, ay kasalukuyang ginagamit na ng isang musical band  na buong pagmamalaking tinawag ang grupo nila bilang  ang nag-iisang “match music band” sa Ukraine.

Ang hilig ni Senchukov sa paglikha ng mga bagay ay nagsimula noong nag-aaral pa lang siya. Magmula noon ay marami na siyang nagawang handcrafted objects na kumpleto sa pinakamaliit na detalye, kabilang ang isang tangke na kinopya niya mula sa isang computer game na The World of Tanks at isang maliit na replica ng Eiffel Tower.

Ani Senchukov, ang pinakagusto niya ay ang gumawa ng mga musical instruments na maaari niyang patugtugin pagkatapos.

“What I love is carving, pasting, keeping it in shape, taking into account the microns of a millimeter and making it play at the end,” anang 29-anyos na Ukranian artist.

Imahe mula kay Bogdan Senchukov

“When the instrument sounds … I can’t find words to express my feelings when something done with these little sticks sounds like an ordinary musical instrument,” dagdag pa ni Sechukov habang ginagawa ang ikalawa niyang violin.

Habang ang karamihan sa mga makabagong musical instruments ay yari sa beech at acacia wood, ang mga instrumentong likha ni Senchukov ay yari sa aspen; ang kahoy na ginagamit sa paggawa ng posporo.

Inabot ng anim na buwan gamit ang 27,000 piraso ng palito ng posporo ang ginawa niyang bass instrument na may hugis salapang o trident, ang official coat of arms ng Ukraine.

Imahe mula sa Upnewsinfo

Isang Ukranian company ang nakapansin sa taglay na talento ni Senchukov ang kasalukuyang tumutulong sa kanya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng aspen wood.

Si Senchukov, na holder ng tatlong national records, ay nag-iipon ng mga dokumento upang patunayan sa Guinness World Records na siya ang may pinakamalaking koleksyon ng musical instruments na yari sa mga palito ng posporo.

Loading…