‘Unbreakable’ Bea Alonzo, negosyante na rin matapos buksan ang una niyang café

  • Panibagong blessing sa career ni Bea Alonzo ang pagbubukas niya ng isang café sa Quezon City
  • Isa na siyang franchise owner ng Dean & DeLuca cafe na unang nagbukas sa New York City noong 1977
  • Pinaghandaan talaga ito ng Unbreakable star dahil noong 2018 ay tinapos niya ang isang short course tungkol sa baking

Panibagong tagumpay sa buhay ng mahusay na aktres na si Bea Alonzo ang pagbubukas ng kaniyang unang café business.

Masayang ibinahagi ni Alonzo na franchise owner na siya ng Dean & DeLuca; isang kilalang café at bakery sa New York City.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

“Good old coffee. Just what I need today. I am happy to announce that we are having our soft opening today of Dean and Deluca in Quezon City,” pambungad na mensahe ng 32-year-old actress sa Instagram post nito noong Nobyembre 20.

Nagpahiwatig din ang aktres na malaki ang chance na lagi siyang naroon at buong kagalakan pang pagsisilbihan ang kaniyang mga future customers.

“I’ve been so excited about this new venture and I can’t wait to dine with you guys and run you through our delectable menu. Visit us at Scout Tuazon cor Scout Rallos today,” dagdag pa ng “Unbreakable” star.

Ang café ay matatagpuan sa Alpha Base sa Sct. Rallos Street corner Sct. Tuazon Street, Quezon City na tiyak na dadayuhin ng mga coffee lovers.

Noong Setyembre 2018, natapos niya ang short course na Fundamentals in Baking and Pastry Arts course sa Center for Culinary Arts Manila. Pinaglaanan talaga niya ng panahon ang matuto ng ibang bagay bukod sa mga ginagawa niya sa showbiz.

Imahe mula sa Instagram account ni Bea Alonzo

Sa idinaos niyang graduation dinner noon, pinatikim ni Bea sa kaniyang pamilya at malalapit na kaibigan ang mga hinanda niyang cakes at pastries.

Puno ng blessings ang Nobyembre ni Bea dahil bukod sa bagong café ipalalabas na sa Nobyembre 27 ang kaniyang Unbreakable movie kasama sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez.

Source :

Instagram, Pep

Loading…