Vhong Navarro, ikakasal na sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Bautista sa Japan

  • Ikakasal na si Vhong Navarro sa long-time girlfriend niya na si Tanya Winona Bautista
  • Sa Japan gaganapin ang kasal na nakatakda sa November 28 kung saan imbitado ang malalapit na kaibigan at kaanak
  • Masaya ang fans ng komedyante at host na mauuwi sa kasalan ang kanilang relasyon sa kabila ng ilang kontorbersya

Matapos ang mga pagsubok sa kanilang relasyon, ikakasal na ang performer, host, at komedyante na si Vhong Navarro sa kanyang longtime girlfriend na si Tanya Winona Bautista. Gagawin ang kasal sa ika-28 ng Nobyembre sa Kyoto, Japan.

Marami ang nagulat dahil naging pribado talaga sina Vhong at Tanya sa kanilang relasyon kahit noon pa man. Ito rin ang dahilan kung bakit hindi live ang It’s Showtime hanggang sa Sabado dahil dadalo ang malaking bahagi ng show sa pag-iisang dibdib ng dalawang Kapamilya employees.

Larawan mula sa Instagram account ni Vhong Navarro

Si Tanya ay isang resident writer ng ABS-CBN kung saan sila nagkakilala at nagkapalagayan ng loob ni Vhong na matagal na ring Kapamilya. Ilan sa mga kasamahan na siguradong dadalo ay ang kapuwa Streetboy na si Jhong Hilario, Anne Curtis, Vice Ganda, at Kuya Kim Atienza.

Ikakasal sila matapos ang 11 taong relasyon na minsan nang sinubok ng mabigat na insidente. Matatandaang nasangkot si Vhong sa isang iskandalo noong 2014 kasama ang model na si Deniece Cornejo at businessman na si Cedric Lee.

Ngunit anuman ang pinagdaanan ng nobyo, nanatili sa kanyang tabi si Tanya at hindi nagpatinag sa mga kontrobersya. Hindi rin madalas makita si Tanya sa publiko kasama si Vhong kaya namam humanga ang marami sa pagiging pribado ng kanilang relasyon.

Larawan mula sa Instagram account ni Vhong Navarro

Samantala, iisang venue lamang daw ang pagdarausan ng kasal at ng reception nina Vhong at Tanya. Sa Four Seasons Hotel sa Kyoto gagawin ang hinihintay nilang pag-iisang dibdib. Magiging principal sponsors ng kasal ang longtime manager ni Vhong na si Direk Chito Roño at ang Regal Entertainment executive na si Roselle Monteverde.

Unang ikinasal si Vhong sa aktres na si Bianca Lapus. Hindi nagtagal ang kanilang relasyon ngunit nagkaroon sila ng isang anak na si Yce. Nananatili namang mabuting magkaibigan ang dalawa matapos ma-annul ang kanilang kasal.

Source :

Instagram, PEP

Loading…