Video: Lalaking nagpagasolina ng P1,000, tinakasan ang gasoline boy

  • Tinakasan ng isang lalaki ang gasoline boy matapos magpakagasolina ng halagang P1,000
  • Nakunan ng CCTV ang pangyayari
  • Ang sasakyan ng suspek ay kulay asul na KIA na may plate number na ABJ 6175

Masama ang loob ng isang gasoline boy dahil tinakasan siya ng isang lalaking nagpakarga sa kanya ng gasolina noong madaling-araw ng Undas.

Footage mula sa CCTV camera ng Unioil gasoline station

Ibinahagi ni Eon Zuñiga sa social media ang CCTV footage ng insidente na naganap sa Unioil gasoline station sa Las Piñas dakong 4:20 ng madaling araw, ika-1 ng Nobyembre.

Ang sasakyan ng lalaking hindi nagbayad ay isang kulay asul na KIA na may plate number na ABJ 6175.

Sabi ni Zuñiga, halagang isanlibong gasolina ang ipinakarga ng lalaki. Nang matapos makargahan ng gasolina ang kotse ay ipinahawak sa kanya ng suspek ang tatlong supot na may lamang sari-saring pagkain dahil hahanapin daw muna ang wallet.

“Pahawak lang saglit kasi hahanapin ko wallet ko, ha,” ang sinabi raw sa kanya ng lalaki.

Nang hawak na ng gasoline boy ang tatlong supot ng pagkain ay bigla raw nagsabi ang lalaki na naiwan sa isang restaurant ang wallet niya at biglang pinaharurot ang kotse.

Anang gasoline boy, mabuti na lang daw at hindi nagpa-full tank ang lalaki. May mensahe naman ito sa lalaking nanggants0 sa kanya.

Footage mula sa CCTV camera ng Unioil gasoline station

“Alam mo sir, kung sino ka man, oo 1k lang ‘yan pero malaking bagay sa ‘kin ‘yan na nagtatrabaho nang maayos tapos babanatan mo ‘ko ng modus mo, may karma yan, sir. ‘Di ko to agad ni-post kasi ayaw ko mapahiya ka pero tama lang ‘to… tandaan mo, sir may karma ‘yan,” ani Zuñiga.

Narito ang buong post ni Zuñiga:

“Baka po may nka kilala oh mka kita sa taong to nag pa gas po yan skin dto sa Las piñas unioil tpat ng sm southmall
NAVY BLUE KIA,  PLATE ABJ 6175 — Nagpa-gas yan nov 1. 4.20am ng 1k. After sya ma kargahan bigla syang my inabot ng 3bag ng mga kung anu anung pagkain.  Sabi niya pahawak saglit pre kunin ko lng wallet ko after niyang maiabot ung mga item bigla siyang nagsalita
Ay naiwan ko pala wallet ko sa kfc sabay bigla siyang alis.

Alam mo sir kung sino ka man oo 1k lang yan pero malaking bagay sa kin yan na nagtatrabaho ng maayus tpos babanatan mo ko ng modus mo may karma yan sir. D ko to agad ni post kc ayaw ko mapahiya ka pero tama lang to tandaan ma sir my karma yan.”

I-click ang image para mapanood ang video:

Source :

Facebook

Loading…