Video ng kanyang JAG endorsement ipinasilip ni Yorme sa social media

  • Video ng JAG endorsement ni Mayor Isko, ipinasilip
  • Viral na sa social media ang video ng JAG endorsement ni Yorme
  • Maraming netizens ang bumili ng JAG products resulta ng paghanga at respeto nila kay Mayor Isko

Sa kauna-unahang pagkakataon ay ipinasilip ng butihing alkalde ng Lungsod ng Maynila, si Yorme Isko Moreno, ang video ng endorsement niya ng JAG denim jeans, jackets at sportshirts.

Imahe mula sa JAG Jeans

Makikita sa video, na pinamagatang “Yorme Isko For Jag Jeans,” ang alkalde habang sinasabi niya ang mga katangian ng isang lider na karapat-dapat na maglingkod sa Lungsod ng Maynila at mga residente nito.

Aniya, deserve ng mga residente ng Lungsod ng Maynila ang pinakamahusay at kwalipikadong tao na mamumuno sa kanila kaya naman araw-araw ay sinisikap daw niyang paghusayin ang paglilingkod upang  maging karapat-dapat sa mandatong ibinigay sa kanya.

Sa mga eksena sa video ay makikitang suot ni Yorme ang ilang JAG Jeans products gaya ng kulay brown na JAG jacket at isang kulay puting jag polo shirt bilang pang-ilalim. Makikita ring suot niya ang isang kulay asul na JAG Men’s Sportshirt.

Isang terno ng JAG denim jacket at jeans naman ang suot ng alkalde sa ilan pang eksana sa video.

Ang nasabing video ay unang ibinahagi ng JAG Jeans sa Facebook page nito noong ika-15 ng Nobyembre at mayroon na itong mahigit 15,560 views.

Screenshot mula sa video ng JAG Jeans

“Exceptional leaders demand excellence and outstanding quality. Manila’s Mayor Isko Moreno Domagoso confident to rule in his JAG Jeans,” caption ng JAG sa video ni Yorme.

Noong Sabado, ika-16 ng Nobyembre, ay ibinahagi naman ito ni Mayor Isko sa kanyang Facebook page at agad na humakot ng mahigit 383,000  views at  libo-libong comments na pawang positibo.

Nagpasalamat si Yorme sa JAG sa pagkuha sa kanya bilang endorser. Aniya, ang ibinayad sa kanya ng kumpanya ay ibinigay niya lahat sa Philippine General Hospital (PGH).

Screenshot mula sa video ng JAG Jeans

“Maraming salamat po sa JAG Jeans sa pagkuha sa akin bilang endorser niyo. Nat0das na po namin para sa PGH Cancer Ward ‘yung binigay niyo pong pera.”

Base sa mga komento, mahihinuha na maraming netizens ang bumili ng mga produkto ng JAG resulta ng paghanga at respeto nila kay Mayor Isko.

I-click ang larawan para mapanood ang video:

Source :

Facebook

Loading…