Who you? Lalaking hindi kinikilig kay Sue Ramirez, kinatuwaan ng mga netizenS

  • Trending ngayon sa Facebook ang larawan ni Sue Ramirez at isang lalaki
  • Tila wala kasing reaksyon ang lalaki sa panghaharot ni Sue sa kanya sa gitna ng isang event
  • Nagdulot naman ang “no reaction” na si kuya ng iba’t ibang komento sa mga netizen

Normal na para sa marami sa atin na matulala, mapatili, at kiligin kapag nakakakita ng celebrities. Ang ilan nga ay gagawin ang lahat, makamayan, makapagpa-autograph, at makapagpa-picture lang sa mga artista na ito, idolo man natin o hindi. Big time ka kasi sa mga kakilala mo kapag nagawa mo ang mga bagay na ito.

Pero ang isang lalaki, tila hindi natuwa kahit pa yakapin at halikan na siya ng Kapamilya actress at host na si Sue Ramirez. Huling-huli sa camera na tila walang reaksyon ang lalaki kahit anong harot ang gawin sa kanya ni Sue.

Larawan mula kay Mary Joy Escorpiso Toronon

Inupload sa Facebook ng netizen na si Mary Joy Escorpiso Toronon ang mga larawan ng isang lalaki habang kasama sa entablado si Sue. Kuha raw ito sa pagdiriwang ng Higantes Festival sa Angono, Rizal kung saan guest si Sue.

Siyempre, bilang isang performer, kailangang i-entertain ni Sue ang mga manonood. At bahagi raw ng kanyang pagtatanghal ang pakikihalubilo sa ilang miyembro ng audience. Sakto namang nakuha niya ang lalaki na kasama sa viral na larawan.

Ngunit kaiba sa mga fans, talaga namang no reaction ang lalaki kahit niyakap at hinalikan na siya ni Sue. Diretso lang ang tingin niya sa audience at hindi gumagalaw. Tuwang-tuwa naman si Sue sa lalaki kahit tila hindi siya pinapansin nito.

Maraming netizens din ang na-good vibes sa post ni Toronon. Dahil dito, umabot na sa higit 9,300 reactions, 2,000 comments, at 12,000 shares ang kanyang post. Nagbigay naman ng iba’t ibang reaksyon ang mga netizens sa ‘no reaction’ na si Kuya.

Larawan mula kay Mary Joy Escorpiso Toronon

May ilang nainggit sa lalaki dahil matagal na raw silang humahanga kay Sue. Inintindi naman ng iba ang lalaki dahil baka kinakabahan na raw dahil mayroong girlfriend na aaway sa kanya dahil sa libreng yakap at halik na ibinigay ni Sue sa kanya.

Ang iba naman ay hanga sa lalaki dahil hindi raw nagpadala sa ganda ni Sue. Sabi naman ng ilang netizens, kahit daw maganda ang isang babae, kung hindi naman type ng isang lalaki, wala ring magaganap. Tibay mo, kuya!

Loading…