X Factor: The Band ni Simon Cowell hahanapin ang UK-Pop artists para kalabanin ang K-Pop

  • Nais kalabanin ng music producer na si Simon Cowell ang K-Pop sa pamamagitan ng UK-Pop
  • Uumpisahan niya ito sa pamamagitan ng reality show na X Factor: The Band
  • Kilala si Cowell na taga-tuklas ng mga music band tulad ng One Direction at Westlife

Kung dati ay mga bansa lamang sa Asia ang nahuhumaling sa musikang Koreano o mas kilala ngayon bilang K-Pop, hindi naman maikakailang nahuli na rin nito ang kiliti ng mga music enthusiasts sa buong mundo. Nakakapasok na sa iba’t ibang hit charts ang mga awitin ng mga K-Pop groups at nakatatanggap na rin sila ng maraming parangal sa mga music festival mula sa mga Kanluraning bansa.

Dahil dito, nais ng record producer at certified star maker na si Simon Cowell na ibalik ang sigla ng musika ng mga singing groups mula sa kanilang bansang United Kingdom. Sa katunayan, nakatakdang ilunsad ni Cowell ang bagong edisyon ng kanyang singing reality show upang makatuklas ng mga grupong lalaban sa K-Pop groups.

Larawan mula sa Facebook page ng X Factor UK

Sa isang tweet ng Syco Entertainment na pagmamay-ari ni Cowell, isang paanyaya ang ginawa niya sa mga aspiring performers para sa nalalapit na X Factor: The Band.

Ayon kay Cowell, sa pamamagitan ng bagong edisyon ng X Factor, mahahanap nila ang biggest girl o boy group sa buong mundo.

Dagdag pa ng dating American Idol judge, panahon na raw upang muling marinig ng mundo ang musika ng mga taga-UK at palaganapin ang UK-Pop na handang kalabanin ang K-Pop na sikat na ngayon sa buong mundo.

“We’ve done it before, we’re going to do it again. Right now, K-Pop you could argue, is ruling the world. Now, it’s time for UK-Pop,” pahayag ni Cowell sa kanyang panawagan para sa mga gustong mag-audition sa XFactor: The Band.

Ayon kay Cowell, mag-uumpisa agad-agad sa Disyembre ang paghahanap nila ng next band superstars sa pamamagitan ng X Factor: The Band. Wala pa namang anunsiyo kung sino-sino ang makakasama niya bilang hurado.

Larawan mula sa Facebook page ng X Factor UK

Bagama’t bahagi talaga ng categories ng normal na edisyon ng X Factor ang groups, nais daw ni Cowell na ituon ang isang buong season para lamang maghanap ng mga singing groups. Ilan sa mga grupong sumikat mula sa iba’t ibang season at franchise ng X Factor ay ang One Direction, Little Mix, JLS, at Fifth Harmony.

Maliban sa X Factor, kilala na rin si Cowell bilang tagapagpasikat ng iba’t ibang banda kabilang ang Westlife. Gumawa na rin siya ng show sa Latin America na La Banda na nagkaroon pa ng franchise sa Pilipinas at tinawag na ‘Pinoy Boyband Superstar.’

Loading…