15 years na kulong sa mga gagawa ng bandalismo at maninira ng mga road signs

  • Mabigat na parusa laban sa bandalismo at paninira ng mga ari-arian ng gobyerno isinusulong
  • Makukul0ng ng hanggang 15 taon ang mapatutunayang nanira, nagnakaw ng mga road signs at warning devices
  • Tinutulan ng grupong Panday Sining ang panukala

Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na naglalayong patawan ng parusang pagkakakul0ng ng 15 taon ang sinumang mahuhuli na gumagawa ng bandalismo at mangunguha ng mga ari-arian ng gobyerno.

Imahe mula sa News5

Inindorso na ng House Committee on Revision of Laws upang maaprubahan sa plenaryo ang House Bill No. 2090 ni House Deputy Speaker Raneo Abu na magpapataw ng mabigat na parusa sa mga maninira at magnanakaw ng mga ari-arian at pasilidad ng gobyerno.

Partikular na binanggit ni Rep. Abu ang paninira at pangunguha sa mga road signs at warning devices na kadalasang nagreresulta sa mga aksidente.

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang mapatutunayan na nagnakaw ng mga road signs, warning devices, disaster warning and risk reduction instruments at manhole cover o kaya naman ay bumili ng mga nabanggit na ari-arian ng gobyerno ay papatawan ng 12 hanggang 15 taong pagkakakulong at multang hanggang P300,000.

Mas mabigat ang magiging kaparusahan kung ang gumawa ng kasalanan ay kawani ng pamahalaan. Bukod sa kul0ng ay aalisan ng retirement benefits at hindi na papayagang magtrabaho sa pamahalaan.

Rep. Raneo Abu/Imahe mula sa Jip

May insentibo namang ibibigay sa sinuman na magsusuplong sa mga lalabag. Samantala, nagpahayag ng pagtutol ang grupong Panday Sining sa panukala.

“Tutulan ang HB 2090. Ipaglaban ang Kalayaan sa Pamamahayag. Labanan ang pasistang atake sa mamamayan,” ayon sa post ng Panday Sining sa social media.

“Kung ang nais talaga nito ay alisin ang mga panawagan sa pader, dapat ay solusyunan ang mga nakapintang panawagan,” ayon pa sa grupo.

Screenshot ng post ng Panday Sining
Source :

Jip, Facebook

Loading…