2 US senators na nagpa-ban sa PH officials na makapasok sa US, bawal na ring pumasok sa Pilipinas

  • US travel ban laban sa mga opisyal na nagpakulong kay Sen. Leila De Lima ipinatupd na ng Amerika
  • Ipinag-utos ni Pangulong Duterte na huwag papasukin sa Pilipinas ang 2 US senators na pasimuno ng travel ban
  • Pakukuhanin na rin ng visa ang mga Amerikanong nais pumasok sa teritoryo ng Pilipinas

Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag papasukin sa bansa ang dalawang US Senators na nagsulong ng probisyon sa US 2020 Budget na huwag papasukin sa Estados Unidos ang mga Filipino officials na sangkot sa pagpapakulong kay Senator Leila De Lima.

Imahe mula sa official websites nina US Senators Dick Durbin atPatrick Leahy

Kamakailan lang ay pinirmahan na ni US President Donald Trump ang US 2020 Budget kung saan kasama ang probisyon na huwag papasukin sa Amerika ang mga opisyal ng Pilipinas na may kinalaman sa pagkakapiit ng senadora.

“The President is immediately ordering the Bureau of Immigration to deny US Senators Dick Durbin and Patrick Leahy, the imperious, uninformed, and gullible American legislators who introduced the subject provision in the US 2020 Budget, entry to the Philippines,” sabi ni Presidential Spokesman Salvador panelo sa isang press conference sa Malacañang.

Bukod sa ban laban sa dalawang US senators na nabanggit, sinabi rin ni Panelo na kung tototohanin ng Estados Unidos na hindi papasukin sa Amerika ang mga opisyal ng bansa ay pakukuhanin na ng visa ang lahat ng mga Amerikanong nais pumasok sa teritoryo ng Pilipinas.

“Should a ban from entry into US territory be enforced against Philippine officials involved in – or by reason of – Senator de Lima’s lawful imprisonment, this government will require all Americans intending to come to the Philippines to apply and secure a visa before they can enter Philippine territory,” anang tagapagsalita ni Pangulong Duterte.

Imahe mula sa PCOO

Iginiit pa ni Panelo na hindi “wrongful detention” ang nangyari kay Sen. De Lima tulad ng sinasabi ng dalawang US senators.

“As we have already explained, it’s not a wrongful detention. That’s for the court to decide, not for us… You must remember that it’s the court that will determine whether or not a person can be released whether on bail or one can be released because he or she has been acquitted. It’s always the courts,” paliwanag ni Panelo.

Loading…