2019 SEA Games stamps, inilabas ng PHLPost

Imahe mula sa PHLPost
  • Bilang parangal sa Pilipinas at sa mga atletang Pilipino ngayong Southeast Asian Games (SEAG), naglabas ang Philippine Postal Corporation ng limited edition na mga stamps, souvenir sheets, at official first day cover
  • Mabibili na ang mga ito ng publiko sa iba’t ibang postal area sa buong bansa
  • Pilipinas ang host ng 2019 SEAG na dinaluhan ng 11 bansa

Bilang pagbibigay-pugay sa Pilipinas na host ng 30th Southeast Asian Games (SEAG) at sa mga atletang Pilipino, naglabas ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) ng special commemorative stamps, souvenir sheets, at official first day cover ng 2019 SEA Games.

Imahe mula sa PHLPost

Ang mga stamp na dinisenyo ni PHLPost graphic artist Rodine Teodoro ay may logo ng 30th SEAG. Ipinapakita rin dito ang motto na “We Win As One” ng palaro. May apat na disenyo rin ito na nagpapakita ng mga sports na weightlifting, badminton, cycling, at billiards. Mabibili ang bawat isa sa halagang P12.

Ang limited edition souvenir sheet naman ay nagpapakita ng makukulay na mga kamay na magkahawak bilang simbolo ng pagkakaisa para sa palaro.  May special die-cut embellishment din ito na may pormang silhouette ng isang basketball player dahil kilala ang mga Pilipino sa pagkahilig sa larong ito. Ang bawat isang souvenir sheet naman ay P67.

Ang mga special stamps, souvenir sheets, at official first day covers ay mabibili na ng publiko sa Philatelic Counter, Manila Central Post Office, Mega Manila Post Offices, Postal Area 2, San Fernando, La Union, Postal Area 4, San Pablo, Postal Area 5, Mandaue, Postal Area 6, Iloilo, Postal Area 7, Davao, at Postal Area 8, Cagayan de Oro. Maaari ring tumawag sa 8-527-0108.

May 530 events ang dinadaluhan ngayon ng 11 bansa—Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao, Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Timor-Leste, Vietnam, at Pilipinas.  Gaganapin ang mga palaro sa iba’t ibang dako ng bansa tulad ng Clark, Subic, at Metro Manila hanggang sa Disyembre 11, 2019.

Imahe mula sa Facebook | 2019 SEA Games
Source :

PHLPost, PIA

Loading…