8-anyos na bata ipinambili ng pet food ang perang napamaskuhan para i-donate sa animal shelter

  • Batang babae, pera ang gustong regalo sa halip na laruan
  • Ginamit ng bata ang perang napamaskuhan para ipambili ng pet food na ibinigay niya sa isang animal shelter
  • Tatlong taon nang ginagawa ng bata ang pagdo-donate ng pet food sa mga aso at pusa sa animal shelter

Mga bagong laruan ang karaniwang hinihinging regalo ng mga bata tuwing sasapit ang Pasko, subalit hindi ito ang gusto ng walong-taong gulang na bata mula sa Washington sa Estados Unidos na si Landyn Wadsworth. Partikular niyang hiniling na ang iregalo sa kanya ay pera upang makabili siya pet food na ido-donate niya sa para sa mga aso at pusa sa isang animal shelter.

Imahe mula sa Tri-Cities Animal Shelter & Control Services

Mahigit kalahating tonelada ng dog at cat food ang nabili ni Landyn sa perang napamaskuhan. Agad niyang dinala ang 600 kilograms ng pet food sa Tri-Cities Animal Shelter & Control Services bilang regalo niya sa kanyang mga “furry friends”

Ibinahagi ng animal shelter ang larawan ni Landyn kasama ang patung-patong na pet food na mas mataas pa sa kanya. May dala rin siyang isang sako na puno ng sari-saring supplies para sa mga hayop.

“Landyn’s wish for Christmas was food donations for the shelter and it looks like her wish came true! We are so grateful for your kindness and I’m sure the dogs and cats are too!” post sa Facebook ng animal shelter.

Nagsimulang mag-donate ng pet food sa animal shelter si Landyn tatlong taon na ang nakalilipas.

Ayon sa inang si Alisha, nalungkot si Landyn nang malaman na walang sariling pamilya ang mga aso’t pusa sa animal shelter noong unang pagbisita nila noong 2016.  At dahil hindi naman nila maaaring ampunin ang mga iyon ay naisip ng bata na magbigay ng pet food.

Imahe mula kay Julie Webb via Facebook

Maraming netizens ang pumuri sa ginagawa ni Landyn. “We need more kids like you in this world. You are so awesome to do this. Thank you so much.”

“Thank you so much Landyn! You are my little hero! it was so nice to meet you too.”

“Sweetest child. Most kind and generous. I hope all the children grow up and be like her. Imagine her as a grown woman, what she will achieve.”

Ayon sa animal shelter, nagsimula na ulit si Landyn na mangalap ng pera upang ipambili ng pet food para sa susunod na Pasko.

Source :

Facebook, Wink

Loading…